top of page

Sta. Peregrina High School Matinding Pagbaha ang naranasan dulot ng Habagat at mga Bagyo

PULILAN, Bulacan— Binaha ang eskwelahan ng Sta. Peregrina High School dahil sa pinagsamang epekto ng mga bagyong Maymay at Luis at ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat), nagsagawa ang mga administrador ng paaralan na magpatupad ng mga pansamantalang kaayusan sa pag-aaral.

Malaking bahagi ng paaralan ang binaha at kabilang sa mga pinakaapektadong lugar ay ang mga silid-aralan sa ground floor na ginagamit ng mga mag-aaral sa Grade 7 at Grade 8, kung saan ang ilang pulgadang lalim ng tubig-baha ay naging sanhi upang hindi muna magamit ang mga nasabing lugar para sa pag-aaral.

Upang maiwasan ang panganib at matiyak na magpapatuloy ang pag-aaral, nagbaba ng memo ang School Principal III Dr. Rico Paulo G. Tolentino para sa agarang aksyon.

Pansamantalang inilipat sa Alternative Delivery Mode (ADM) o distance learning ang mga mag-aaral ng Grade 7 at Grade 8 hanggang sa tuluyang humupa ang tubig-baha sa mga silid-aralan.

Hinihikayat ng mga opisyal ng paaralan ang mga magulang at mag-aaral na subaybayan ang mga aplikasyong pangkomunikasyon ng paaralan para sa mga susunod na anunsyo tungkol sa pagbabalik ng regular na face-to-face classes kapag natapos na ang paglilinis sa paaralan.


Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page