top of page

Sta. Peregrina High School nagkamit ng mga parangal sa EDDIS 1

Oct 4
1 min read

BULAKAN, Bulacan — Nag-uwi ng iba’t ibang pagkilala ang mga campus journalist ng Sta. Peregrina High School sa 2026 EDDIS 1 Schools Press Conference na ginanap sa Bulakan, Bulacan.


Narito ang mga nagwagi mula sa Sta. Peregrina High School:


  1. Clix Damiel P. David — 2nd Place, Pagsulat ng Balitang Isports

  2. Almira Gwyne F. Flores — 3rd Place, Feature Writing

  3. Jenaira P. Caisip — 5th Place, Pagsulat ng Balitang Agham

  4. Azhen S. Fabros — 5th Place, Pagkuha ng Larawan

  5. Hannah Dorothy Solis — 5th Place, Feature Writing

  6. Ehra Mae G. Reyes — 7th Place, Pagsulat ng Balitang Agham

  7. Elizah Lorraine D. Mag-isa — 8th Place, Pagsulat ng Lathalain

  8. Joey D. Relox, Jr. — 10th Place, Editoryal Kartuning

  9. Josef Jeffrynz S. Borda — 10th Place, Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita


Kinilala rin ang mga gurong tagapayo ng paaralan. Nakamit ni Anjelica R. Yalong ang Rank 9 sa Adviser Highest Pointer – Filipino, habang nakuha ni Alessandra P. Casiano ang Rank 6 sa Adviser Highest Pointer – English.


Bukod dito, nagtapos ang Sta. Peregrina High School bilang Rank 6 sa School Highest Pointer para sa Filipino at English, dagdag na pagkilala sa naging performance ng paaralan sa kompetisyon.

Ang mga parangal ay bunga ng paghahanda ng mga campus journalist at patuloy na paggabay ng kanilang mga coaches at advisers sa larangan ng campus journalism.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page