top of page

Sunog sa likod ng D2NHS, inapula ng BFP


Ika-5 ng hapon noong Abril 17, 2026 nang mangyari ang sunog sa likod ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Dampol, Pulilan, Bulacan. Agad na inaksyunan ng Bureau of Fire Protection.


Ayon sa video na ibinahagi ni Vergel Wong Omongos, nagsimula ang sunog bandang alas-5:00 ng hapon. Pinaniniwalaang dulot ito ng matinding init ng panahon na nagpasiklab sa malaking lote na may matataas na damuhan.


Inabot ng mahigit-kumulang 30 minuto bago tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog. Wala namang naiulat na nasugatan o napahamak sa nasabing insidente.


Kaugnay nito, mahalagang magsagawa ng regular na paglilinis sa paligid, iwasan ang pagsusunog ng basura, at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang usok o apoy upang maiwasan ang ganitong insidente.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page