top of page

Super Typhoon Bavi, Posibleng Pumasok sa PAR sa Martes ng Gabi o Miyerkules



MANILA — Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Bavi sa Martes ng gabi o madaling-araw ng Miyerkules, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.


Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, ang bagyo ay nasa layong 2,355 kilometro sa silangan ng Timog-Silangang Luzon at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Kapag nakapasok na ito sa PAR, tatawagin itong Inday at ito ang magiging ikasiyam na bagyo sa bansa ngayong taon.


Ayon sa PAGASA, mababa ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa Pilipinas. Inaasahan itong dadaan malapit sa Batanes bago tumungo sa Taiwan.


May taglay na pinakamalakas na hanging 215 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 265 kilometro kada oras ang Super Typhoon Bavi. Sa ngayon, wala pa itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.


Samantala, inaasahan ang pangkalahatang maaliwalas na panahon sa karamihan ng bahagi ng Pilipinas, bagama't maaari pa ring magkaroon ng panaka-nakang pag-ulan at pagkulog dahil sa localized thunderstorms. Wala ring nakataas na gale warning sa alinmang karagatan ng bansa.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page