top of page

Suspek sa ilegal na droga, arestado sa buy-bust operation sa Pulilan



PULILAN, Bulacan — Isang indibidwal ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Pulilan

Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Longos noong Hulyo 15 bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.


Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na "Inal," na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Ayon sa Pulilan MPS, isinagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kung saan nakumpiska ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu. Tinatayang may kabuuang timbang itong humigit-kumulang 7.22 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na ₱49,096.00.


Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang laboratory examination at drug testing.


Patuloy namang pinaalalahanan ng Pulilan MPS ang publiko sa masamang epekto ng ilegal na droga sa kalusugan, pamilya, at komunidad. Hinikayat din ng kapulisan ang mga mamamayan na makipagtulungan at agad na magsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung may impormasyon tungkol sa ilegal na droga upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamayanan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page