top of page

Team Falcons PH dinurog ang Team Vitality; 3-1


‎Gigil na bumawi ang Falcons PH sa Vitality matapos silang talunin noong Hulyo 24, 2026 sa group stage ng MSCxEWC 2026 sa Paris, France. Ipinakita ng Falcons PH kung bakit kailangan pa rin silang katakutan dahil sa paglaglag nila sa koponan ng Vitality noong Hulyo 29, 2026, na ginanap sa Paris, France. Dominina nila ang buong serye na ang iskor ay 3-1 pabor sa Falcons.

‎Husay at galing agad ang ipinakita ng buong Falcons sa unang laro dahil hindi nila pinahawak ng kalamangan ang Vitality, Mabilis din natapos ang laro na inabot lang ng 14 minuto at 54 segundo.

‎Sa pagdako natin sa ikalawang match, bumaliktad naman ang naging sitwasyon dahil sa pag-arangkada ng Vitality sa mga unang bahagi ng bakbakan. Walang maisagot ang Falcons, kaya't agad na bumawi ang Vitality, 1-1.

‎Sa pagtuntong sa ikatlong round, kitang-kita agad ang gigil ng Falcons na makabawi sa Vitality upang lumamang sa serye. Agad namang tinapos ng Falcons ang Vitality dahil sa sunod-sunod nilang arangkada. Hindi na nakabawi ang Vitality, kaya't 13 minuto lang nilang tinapos ang laro. Naghihiyawan na ang mga Pilipinong fan dahil nalalasap na nila ang panalo dahil 2-1.

‎Pagdating sa huling laro, dikit na dikit lang ang dalawang koponan, subalit pagdating ng ika-13 minuto, nagkamaling maging ang Vitality at kinuha ito ng Falcons upang tapusin na ang serye. Sa pangalawang pagkakataon, 13 minuto lang din ang tinapos ng laro. Naghihiyawan na ang crowd ng "UWIAN NA, UWIAN NA!" Dito na natapos ang kalbaryo ng Vitality sa Falcons.

‎Nakakapanabik na aabangan ang magiging tapatan ng Falcons PH at Yangon Galacticos (YG) sa semifinals sa Biyernes, Hulyo 31, 2026.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page