top of page

The Dawn, Nagbigay-Buhay sa Entablado ng TOYCON Nexus 2026

Jun 13
1 min read

PASAY CITY — Naging tampok sa unang araw ng TOYCON Nexus 2026 ang OPM rock band na The Dawn matapos maghatid ng live performance sa harap ng mga dumalo sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City. Ito’y kasabay ng kanilang ika-40 na anibersaryo sa industriya. Sa kanilang pagtatanghal, muling ipinamalas ng banda ang kanilang husay sa musika, na sinabayan ng masiglang pakikiisa ng mga tagahanga at bisita ng event. Ang TOYCON Nexus 2026 ay ginaganap mula Hunyo 12 hanggang 14 at nagtatampok ng iba't ibang aktibidad para sa mga mahilig sa pop culture, collectibles, cosplay, at live entertainment.


Samantala, inaasahan pa ang mas marami pang programa at performances sa mga susunod na araw ng kaganapan. Inaanyayahan ng mga organizer ang publiko na makibahagi sa nalalabing bahagi ng TOYCON Nexus 2026 at maranasan ang iba't ibang tampok na aktibidad na naghihintay hanggang Hunyo 14 sa SMX Convention Center Manila.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page