top of page

Top 4 Most Wanted Person sa Bulacan, arestado sa Bulakan**BULAKAN, Bulacan

Sep 2
1 min read

BULAKAN, Bulacan — Naaresto ng Bulakan Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaking itinuturing na Top 4 Most Wanted Person sa provincial level sa isinagawang operasyon sa Barangay Sta. Ana, Bulakan, noong gabi ng Setyembre 1.

Ayon sa ulat ni PLTCOL Lynelle F. Solomon, Chief of Police ng Bulakan MPS, kinilala ang naaresto bilang alias “Relly,” 50 taong gulang at residente ng nasabing barangay.

Bandang alas-8:00 ng gabi nang isagawa ng Tracker Team ng Bulakan MPS, katuwang ang RIU3-Bulacan West PIT, ang pag-aresto sa bisa ng warrant para sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 76 sa Malolos City noong Marso 26, 2025. Ayon sa police report, walang inirekomendang piyansa para sa akusado.

Dinala ang naaresto sa kustodiya ng Bulakan MPS para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.

Ayon kay PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, nagpapatuloy ang mga operasyon laban sa mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest sa lalawigan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page