top of page

Top 9 most wanted ng Baliwag, naaresto sa bisa ng warrant

Sep 22
1 min read

BALIWAG CITY, Bulacan — Naisilbi ng Baliwag City Police Station ang warrant of arrest laban sa Top 9 Most Wanted Person ng lungsod noong Setyembre 21 kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Fencing Law of 1979.

Ayon kay PLTCOL Eisbon L. Llamasares, hepe ng Baliwag CPS, ang 51-anyos na babaeng akusado at residente ng Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal ay naaresto ng Tracker Team bandang 4:15 ng hapon.

Ang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 20 sa Malolos, Bulacan noong Marso 17, 2023 kaugnay ng Criminal Case No. 26-M-2023. Nagtakda ang korte ng ₱240,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Nasa kustodiya ng Baliwag City Police Station ang akusado para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.

Ayon sa Bulacan Police Provincial Office, bahagi ang operasyon ng patuloy na pagpapatupad ng mga umiiral na warrant of arrest laban sa mga indibidwal na may nakabinbing kaso.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page