top of page

Tourism, cultural heritage projects tinalakay sa Pulilan council meeting

Sep 30
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng joint meeting ang Pulilan Tourism Council at Local Council for Arts and Culture para sa ikatlong kuwarter ng 2026 ngayong Setyembre 30 sa Adora Café, Barangay Tinejero, Pulilan.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga natapos at nakatakdang proyekto ng Municipal Tourism Office, gayundin ang pagpapatupad ng accreditation para sa mga Primary Tourism Enterprises sa bayan.

Kasama rin sa agenda ang dokumentasyon ng mga Local Cultural Assets ng Pulilan at mga hakbang para sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga lokal na pamanang kultural.

Bahagi ang pagpupulong ng koordinasyon ng dalawang konseho para sa mga programa at susunod na hakbang kaugnay ng turismo, sining at kultura sa bayan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page