top of page

Toycon Nexus, pormal na binuksan

PASAY CITY — Pormal na binuksan ang ikalawang araw ng TOYCON NEXUS PH x POPLIFE Festival sa pamamagitan ng isang Ribbon Cutting Ceremony na isinagawa sa SMX Convention Center Manila noong Hunyo 13.


Pinangunahan ng mga organizer ang seremonya bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng convention para sa ikalawang araw ng pagdiriwang. Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ni Cholo Mallillin ang kahulugan ng salitang “Nexus,” na sumisimbolo sa pagkakaugnay-ugnay ng iba't ibang komunidad na nagkakaisa sa pamamagitan ng pop culture, cosplay, collectibles, gaming, at iba pang anyo ng fandom.


Nagpasalamat din siya sa mga sponsor at katuwang ng TOYCON NEXUS PH x POPLIFE Festival na naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng taunang pagtitipon.


Nakiisa rin sa ribbon-cutting ceremony ang iba't ibang cosplayers, gayundin sina Victorino Yap (co-founder ng ToyCon Ph) ang grupong Star Wars Rebel Legion, Fight Saber Philippines, Mildre Antonio ng Mad Events, Frederic Zhu - project head ng Poplife Asia, project CC Cosplayers at Reiko Chiba na gumanap bilang Princess Mei (PteraRanger) sa Super Sentai Zyuranger. Matapos ang mga mensahe at pagkilala sa mga partner ng event, sama-samang isinagawa ng mga panauhin ang pormal na ribbon-cutting bilang tanda ng opisyal na pagbubukas ng convention.

Patuloy namang inaanyayahan ng mga organizer ang publiko na dumalo sa huling araw ng TOYCON NEXUS PH x POPLIFE Festival sa Hunyo 14. Hinihikayat ang mga tagahanga ng pop culture, cosplay, collectibles, at gaming na samantalahin ang natitirang araw ng pagdiriwang at maranasan ang iba’t ibang aktibidad na inihanda para sa lahat.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page