top of page

TOYCON PH kinilala sa AMPEX 2026

Sep 20
1 min read

TAGUIG CITY — Kinilala ang TOYCON PH bilang bahagi ng creative industry sa larangan ng design sa ginanap na DTI Malikhaing Pinoy Creative Industries Expo (AMPEX) 2026 nitong weekend.

Kasabay ng pagkilala, tampok din sa expo ang mga gawa ng mga lokal na toy designer, na nagbigay-puwang upang maipakita ang art toys at collectible figures bilang bahagi ng lumalawak na creative sector sa Pilipinas.

Nagsilbing pagkakataon ang AMPEX upang magsama-sama ang mga artist, designer, creative organizations at iba pang stakeholders mula sa iba't ibang sektor ng creative industries.

Pinasalamatan din ng TOYCON PH ang Department of Trade and Industry, kabilang si Assistant Secretary Nyla Bautista, at Rep. Javi Benitez para sa suporta sa programa at sa Philippine creative industries.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page