top of page

Transmission charge tataas ng 22% ngayong Agosto; dagdag-singil makikita sa electric bills

PILIPINAS — Asahan ang mas mataas na transmission charge sa August 2026 electricity bills ng mga consumer sa Luzon, Visayas, at Mindanao kasunod ng pagtaas ng singil sa transmission system, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Para sa July 2026 billing period, tumaas ng 22.22% ang transmission rate sa ₱1.7560 per kilowatt-hour (kWh) mula sa ₱1.4367/kWh noong nakaraang buwan. Ang naturang halaga ay sisingilin ng mga distribution utility at electric cooperative ngayong Agosto.

Ayon sa NGCP, pangunahing dahilan ng pagtaas ang malaking pag-akyat ng Ancillary Services (AS) rates, na tumaas ng 30.85% mula ₱0.7941/kWh noong Hunyo patungong ₱1.0391/kWh noong Hulyo.

Ang ancillary services ay mga reserbang suplay ng kuryente na ginagamit upang mapanatiling stable at reliable ang power grid, partikular kapag nagkakaroon ng imbalance sa supply at demand.

Nilinaw naman ng NGCP na hindi nito kinikita ang ancillary service charges. Ang mga nakokolektang bayad ay direktang ipinapasa sa mga generation company na nagbibigay ng reserve power at sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) para sa ancillary services na kinukuha mula sa Reserve Market.

Tumaas din ang transmission wheeling rate, o bayad sa pagdadala ng kuryente sa transmission grid, mula ₱0.5044/kWh noong Hunyo patungong ₱0.5436/kWh noong Hulyo.

Ang transmission charge na nakikita sa electricity bill ay kumakatawan sa gastos sa paghahatid ng kuryente mula sa mga power supplier patungo sa distribution system bago ito maipamahagi sa mga tahanan at negosyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page