top of page

Tropical Depression posibleng pumasok sa PAR sa Huwebes

Sep 23
1 min read

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Tropical Depression sa silangan ng bansa na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,865 kilometro silangan ng Southeastern Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 55 kilometers per hour (kph) at pagbugsong umaabot sa 70 kph.

Kapag pumasok sa PAR, bibigyan ang Tropical Depression ng lokal na pangalang “Queeni.”

Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang galaw at posibleng paglakas ng bagyo habang papalapit ito sa PAR.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page