top of page

Tulong sa Pag-ahon, Hamon sa Pag-Unlad


Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, o mas kilala sa tawag na 4Ps, ay itinuturing na isa sa pinakamalawak at pinakamahalagang programa ng pamahalaan na tumutulong laban sa kahirapan sa bansa. Ito ay nagdulot ng ginhawa sa nakararami, subalit kasabay ng tagumpay ay may mga hamon na kailangang harapin upang maging ganap ang layunin nito.


Ang  pangunahing layunin ng 4Ps ay putulin ang namamana na siklo ng kahirapan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal, nasisiguro rin ang maliwanag na kinabukasan ng mga batang Pilipino—nasisiguro na ang mga bata ay nakakapag-aral, nakakakain nang tama, at nakakatanggap ng nararapat na pangangalagang medikal. Batay sa mga ulat, tumaas ang antas ng pagpasok ng mga bata sa paaralan at unti-unti nang  bumubuti ang kanilang kalagayan. Ito ay nagsisilbing patunay na kapag natututukan ang mga pangunahing pangangailangan, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na magkaroon ng pundasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan.


Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ang mga isyu at kritisismo na bumabalot sa pagpapatupad nito. May mga nagsasabi na ang ilang benepisyaryo ay nagiging sandalan na lamang sa tulong na ibinibigay ng gobyerno at naaalala na ang gana maghanapbuhay o maghanap man lang ng trabaho. Marami ring balita tungkol sa maling paggamit ng pondo, o kaya naman ay mga pamilyang hindi naman tunay na kuwalipikado ang nakapapasok sa listahan ng mga benepisyaryo. Ngunit lumalabas din ang mga tanong ngayon kung sapat nga ba ang halagang ibinibigay, lalo na ngayong patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan. Kung kulang ang halagang kanilang natatanggap, hindi nila lubusang matutugunan ang pangangailangan ng pamilya, at mananatili silang nakasandal sa tulong ng bayan.


Kung kaya't malinaw na ang 4Ps ay hindi nag-iisang solusyon sa suliranin ng kahirapan. Ito ay mabisa lamang kung hahayaan din ito ng iba pang mga hakbang ng pamahalaan. Kailangan ng mga programang nagbibigay ng pagkakataong makapagtrabaho, magsanay, at magpaunlad ng kabuhayan sa mga komunidad. Mahalaga rin na maging mahigpit ang pamamahala at pagsusuri upang masiguro na ang tulong ay napupunta lamang sa mga talagang nangangailangan.


Sa kabuuan, ang 4Ps ay isang mahalaga at kapaki-pakinabang na hakbang, ngunit mananatili itong tulong na pansamantala lamang. Ang tunay na tagumpay ng programa ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga tumatanggap ng tulong, kundi sa dami ng mga pamilyang nakakaahon at hindi na kailangang umasa rito.


Ang pagtigil sa kahirapan ay magiging posible lamang kung matutulungan ang pamahalaan at ang mamamayan tungo sa iisang layunin.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page