top of page

TV host pinatawan ng 90-day preventive license suspension ng LTO

Sep 23
1 min read

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang SUV matapos kumalat ang video na nagpapakitang nagmamaneho umano ang isang TV host nang walang suot na seatbelt.

Batay sa video, makikita rin ang drayber na bumaba mula sa sasakyan habang nasa kalsada, iniwang bukas ang pinto at pagkatapos ay muling sumakay. Iniimbestigahan ng LTO ang posibleng paglabag sa Failure to Wear the Prescribed Seatbelt Device at Reckless Driving.

Inatasan ang rehistradong may-ari at drayber na humarap sa LTO Intelligence and Investigation Division (IID) sa Setyembre 29 at magsumite ng sinumpaang paliwanag at mga dokumentong susuporta sa kanilang panig. Kabilang din sa sinusuri kung maaari siyang ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, ipinatupad ng LTO ang 90-araw na preventive suspension sa lisensya ng drayber at iniutos ang pagsuko nito. Inilagay rin sa alarm status ang lisensya at ang sangkot na sasakyan.

Binigyang-diin ni LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao na hindi dapat isinasantabi ang kaligtasan sa paggawa ng content sa loob ng sasakyan at pinaalalahanan ang mga motorista na sumunod sa mga umiiral na batas-trapiko.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page