top of page

Typhoon Obet lumabas na ng PAR; Atsani at Gaenari patuloy na binabantayan


PILIPINAS — Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Obet alas-9:30 ng gabi ngayong Agosto 24.

Batay sa monitoring update, nasa loob pa ng PAR ang bagyo alas-8:00 ng gabi bago tuluyang lumabas makalipas ang mahigit isang oras. Patuloy itong binabantayan habang kumikilos sa labas ng PAR.

Samantala, nananatili ring binabantayan sa labas ng PAR ang Tropical Storm Atsani at Tropical Depression Gaenari, na dating Tropical Depression Neneng.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at update mula sa DOST-PAGASA para sa anumang pagbabago sa lakas at galaw ng mga tropical cyclone.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page