top of page

UPDATE: Sunog sa likod ng McDonald's Pulilan, naapula sa loob ng mahigit 20 minuto


PULILAN, Bulacan — Naapula na ang sunog na naganap sa isang bahay sa Sta. Peregrina, sa likod ng McDonald's Pulilan, matapos ang agarang pagtugon ng mga awtoridad nitong umaga.


Ayon sa mga responder, natanggap ang tawag ukol sa insidente dakong 10:06 a.m. Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Pulilan, katuwang ang Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Rescue Team, upang magsagawa ng firefighting operations at mapigilan ang pagkalat ng apoy.


Idineklarang fire out ang insidente dakong 10:27 a.m. Ayon sa inisyal na ulat, isang bahay ang nasunog at walang naitalang nasaktan sa pangyayari.


Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at lawak ng pinsala. Samantala, muling pinaalalahanan ng BFP ang publiko na maging maingat at mapagmatyag upang makatulong sa pag-iwas sa mga insidente ng sunog.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page