top of page

WALANG PASOK: Klase sa lahat ng antas sa Pulilan suspendido ngayong Agosto 28


PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Pulilan ngayong Biyernes, Agosto 28, dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng enhanced Southwest Monsoon o Habagat.

Ipinatupad ang suspensyon bilang pag-iingat at batay sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) ng Pulilan.

Hinihikayat naman ang mga paaralan na ipatupad ang Alternative Learning Modalities (ALM) o iba pang angkop na paraan ng pagkatuto kung kinakailangan upang maipagpatuloy ang mga aralin sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes.

Pinapayuhan ang mga mag-aaral, guro, magulang, at iba pang residente na patuloy na mag-ingat, lalo na sa mga lugar na posibleng bahain, at bantayan ang mga opisyal na abiso kaugnay ng lagay ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page