top of page

Walang pasok sa lahat ng antas sa Bulacan sa Agosto 10


BULACAN — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Bulacan bukas, Lunes, Agosto 10, dahil sa posibleng epekto ng patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Inihayag ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang suspensyon batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) bilang pag-iingat at upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga Bulakenyo na makapaghanda sa posibleng panganib na dala ng masamang panahon.

Pinapayuhan ang mga residente, partikular ang mga nasa mabababang lugar at mga komunidad na madaling bahain, na manatiling alerto at handa sa anumang pagbabago sa sitwasyon.

Hinikayat din ni Fernando ang mga Bulakenyo na patuloy na mag-ingat, manatiling ligtas, at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo at weather advisories mula sa mga kinauukulang ahensya.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page