top of page

Walang pasok sa maraming bayan at lungsod sa Bulacan sa Agosto 11 dahil sa Habagat


BULACAN — Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang maraming lokal na pamahalaan sa Bulacan para bukas, Martes, Agosto 11, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Angat, Balagtas, Baliwag City, Bocaue, Bulakan, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Malolos City, Meycauayan City, Norzagaray, Obando, Pandi, Paombong, Plaridel, Pulilan, San Ildefonso, City of San Jose del Monte, San Rafael, at Santa Maria. Sa San Miguel naman, suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang College sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ilang lokal na pamahalaan at paaralan ang magpapatupad ng Alternative Delivery Mode (ADM), Alternative Learning Modalities (ALM), online classes, flexible learning, at iba pang distance learning arrangements upang maipagpatuloy ang pag-aaral habang suspendido ang face-to-face classes.

Bukod sa klase, suspendido rin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Balagtas, Calumpit, at Hagonoy, batay sa inilabas na mga anunsyo.

Patuloy na pinapayuhan ang mga Bulakenyo na manatiling alerto at mag-ingat sa posibleng pagbaha at iba pang epekto ng patuloy na pag-ulan. Ang talaan ng mga suspensyon ay patuloy na ina-update habang naglalabas ng mga bagong abiso ang mga lokal na pamahalaan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page