top of page

Walang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno sa Bulacan sa Agosto 6


BULACAN — Suspendido ang klase sa mga paaralan at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lalawigan ng Bulacan bukas, Agosto 6, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong Maymay at Southwest Monsoon o Habagat.

Ang suspensyon ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 122, s. 2026 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng masamang panahon.

Kasama ang Bulacan sa mga lugar na sakop ng suspensyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, kawani ng pamahalaan, at publiko habang nagpapatuloy ang pag-ulan.

Pinapayuhan ang mga Bulakenyo, kabilang ang mga residente ng Pulilan, na manatiling alerto, mag-ingat sa posibleng pagbaha at iba pang panganib, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather advisory at anunsyo mula sa mga kinauukulang ahensya.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page