top of page

Walang shooting incident sa Isulan National High School — Sultan Kudarat governor

Sep 30
1 min read

ISULAN, Sultan Kudarat — Nilinaw ni Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu na walang naganap na shooting incident sa Isulan National High School ngayong Setyembre 30, kasunod ng naunang mga ulat tungkol sa malakas na tunog na narinig sa paaralan.

Ayon kay Mangudadatu, batay sa imbestigasyon ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, hindi putok ng baril ang narinig na tunog at posibleng nagmula ito sa problema sa electrical wiring. Wala ring nakitang bala o ammunition sa lugar habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Wala ring naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente at ligtas ang mga estudyante at personnel ng paaralan.

Patuloy namang sinusuri ng Bureau of Fire Protection ang posibleng electrical issue upang matukoy ang eksaktong pinagmulan ng malakas na tunog.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page