top of page

Water supply sa Dampol 1st, Lumbac at Tibag posibleng humina o pansamantalang mawala


PULILAN, Bulacan — Inaasahang makararanas ng mahinang daloy o pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Pulilan matapos magkaroon ng biglaang pagkasira ang Dampol 1st Pumping Station.

Ayon sa inilabas na abiso, kabilang sa mga maaapektuhang lugar ang mga barangay ng Dampol 1st, Lumbac, at Tibag.

Kasalukuyang hinihintay ang pagdating ng contractor na magsasagawa ng kinakailangang pagkukumpuni upang maibalik sa normal ang operasyon ng pumping station at suplay ng tubig sa mga apektadong lugar.

Humihingi naman ng pang-unawa sa mga residente habang isinasagawa ang pagkukumpuni at pinapayuhang maghanda ng sapat na suplay ng tubig habang hindi pa naibabalik sa normal ang serbisyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page