top of page

Wellness Break ng mga guro itinakda sa Setyembre 14–15

Sep 10
1 min read

Isasagawa ang Wellness Break para sa mga guro sa Setyembre 14 at 15, 2026, alinsunod sa DepEd Order No. 009, s. 2026.

Sa dalawang araw na Wellness Break, walang dapat ipagawang meeting, training, Learning Action Cell (LAC) session, school activity, reporting, submission, asynchronous deliverable, o iba pang opisyal na gawain sa mga guro.

Layunin ng itinakdang panahon na mabigyan ang mga guro ng pagkakataong makapagpahinga nang walang kinakailangang school-related tasks o deliverables.

Pinaaalalahanan ang mga kinauukulang paaralan at opisyal na igalang ang nakatakdang Wellness Break at tiyaking walang opisyal na gawaing ipagagawa sa mga guro sa nasabing mga petsa.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page