top of page

Wembanyama, halimaw sa Game 5; 126-94


Photo Courtesy NBA.com
Photo Courtesy NBA.com

Naghalimaw si Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs sa nakaraang bakbakan nila laban sa Minnesota Timberwolves nitong May 12, dahil sa pagkaka-eject niya sa Game 4. Bumawi siya sa Game 5 sa kanilang home court, sa AT&T Center. 126-94, pabor sa Spurs ang series sa Western Conference Semi-finals, 3-2.

‎Sa unang kuwarter pa lang, grabeng paghahalimaw agad ang ginawa ni Victor. Nagtala ba naman siya ng 18 puntos sa loob lang ng walong minuto. Natapatan naman ng anim (6) ni Anthony Edwards. Angat ng apat ang Spurs, 34-30.

‎Pagpasok ng pangalawang kuwarter, nalimitahan ng Wolves si Victor sa 3 puntos dahil sa kanilang magandang depensa. Kaunti lang ang lumayo sa iskor sa pangalawang kuwarter: 59-47. Angat ng isang dosena (12) ang Spurs.

‎Sa ikatlong kuwarter, nagtala ng 10 puntos si Edwards upang bahagyang dumikit sa Spurs. Kahit ganoon, lumamang pa nang malaki ang Spurs, 89-73.

‎Sa pagdako natin sa huling kuwarter, nalimitahan ulit ng Wolves si Victor ang 3 puntos. Kaso, dito na umarangkada ang mga teammates niya, na mayroong combined 32 puntos sa ikaapat na kuwarter. Sa huli, tinapos ng Spurs ang iskor na 126-94. Nagtala ng 27 puntos sa loob ng 33 minuto si Victor Wembanyama.

‎Nakakapanabik na aabangan kung tatapusin na ba ng Spurs ang series sa Game 6 sa Biyernes, May 15, o aabot pa sa Game 7. Abangan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page