top of page

Yellow Rainfall Warning nakataas sa 11 lugar sa Bulacan; pagbaha posible


BULACAN — Nasa ilalim ng Yellow Rainfall Warning ang 11 lungsod at bayan sa Bulacan dahil sa patuloy na pag-ulan, kung saan posible ang pagbaha sa mga flood-prone area.

Kabilang sa nasa Yellow Warning ang Angat, Meycauayan, San Jose del Monte, Doña Remedios Trinidad, Marilao, Norzagaray, Obando, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael at Santa Maria.

Nakataas din ang Yellow Rainfall Warning sa ilang bahagi ng Metro Manila, Nueva Ecija, Cavite, Batangas at Rizal.

Sa ilalim ng Yellow Warning, pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar at mga lugar na madalas bahain na patuloy na bantayan ang kondisyon ng kanilang paligid at maging alerto sa posibleng pagtaas ng tubig.

Mahalaga ring patuloy na subaybayan ang mga susunod na rainfall warning at opisyal na abiso mula sa PAGASA at kani-kanilang local disaster risk reduction and management offices.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page