top of page

Yoshitaka Amano, Darating sa TOYCON NEXUS 2026


Nakatakdang bumisita si Yoshitaka Amano sa Pilipinas bilang espesyal na panauhin ng TOYCON NEXUS 2026. Siya ay isa sa mga pinakatanyag na artist sa mundo ng mga anime. Sa loob ng ilang dekada, kilala siya sa kaniyang natatanging istilo ng sining na puno ng detalye.


‎Si Amano ang maalamat na artist sa likod ng mga disenyo ng seryeng Final Fantasy. Nagtrabaho din siya sa mga classic anime tulad ng Gatchaman, Casshan, at Yatterman, pati na rin sa mga proyekto gaya ng Vampire Hunter D at The Sandman: The Dream Hunters.


‎Makakasama si Amano ng mga piling Pilipinong tagahanga sa TOYCON NEXUS na gaganapin mula Hunyo 12 hanggang 14, 2026 sa SMX Manila Convention. Isa sa mga paraan para makita siya ay sa pamamagitan ng pagre-register para makasali sa lottery.

‎May dalawang paraan para makita si Yoshitaka Amano sa TOYCON NEXUS 2026: ang Fan Meet at ang Premium Meet and Greet. Sa Fan Meet, maaaring magtanong at makinig sa mga kuwento ni Amano tungkol sa kaniyang mga gawa at mga paparating na proyekto. Para naman sa mga nais ng mas personal na karanasan, nag-aalok ng Premium Meet and Greet para sa pagkakataong makilala nang mas malapitan si Amano

‎Ang pagdating ni Yoshitaka Amano ay isang bihirang pagkakataon para sa mga Pilipinong tagahanga na makita ang isa sa mga tunay na alamat ng sining.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page