top of page

Ginawang Produkto ang Atensyon


Sa panahon ngayon, hindi na katotohanan ang pangunahing basehan ng halaga—kundi atensyon. Sa social media, mas pinakikinggan ang may maraming followers kaysa sa may sapat na kaalaman. Mas mabilis na sumikat ang viral kaysa sa makatotohanan. Ito ang mukha ng digital validation culture: isang kulturang unti-unting ginagawang negosyo at kompetisyon ang pangangailangan ng tao na matanggap at mapansin.


Halos lahat ngayon ay nakatuon sa validation. Hindi na simpleng pagpo-post ang ginagawa ng marami; bawat larawan, opinyon, at kilos ay maingat na inaangkop para makakuha ng likes at approval. Unti-unting nawawala ang pagiging totoo dahil mas mahalaga ang pagiging “acceptable” sa internet. Marami ang hindi nagsasalita upang magpahayag ng sariling paniniwala, kundi upang iwasan ang pambabatikos at makasabay sa opinyon ng nakararami.


Mas lumalala ito dahil ginagawang sukatan ng kredibilidad ang kasikatan. Kapag maraming followers, awtomatikong may impluwensiya. Kapag viral, agad pinaniniwalaan. Dahil dito, mas lumalakas ang boses ng entertainment kaysa sa edukasyon, at mas pinapakinggan ang content creators kaysa sa mga eksperto. Sa digital space, hindi mahalaga kung tama ka—ang mahalaga ay kung gaano karami ang sasang-ayon sa iyo.


Lalong pinapalala ng social media platforms ang sistemang ito dahil kumikita sila sa atensyon ng tao. Ang likes, notifications, at trending pages ay hindi simpleng features lamang; mga mekanismong ito ay dinisenyo upang gawing dependent ang mga users sa online approval. Habang mas naghahanap ng validation ang tao, mas tumatagal sila sa platform, mas maraming content ang nalilikha, at mas malaki ang kita ng mga kumpanya. Sa madaling salita, ginawang produkto ang human validation.


Ang pinakamapanganib dito ay ang unti-unting pagkawala ng independent thinking. Maraming kabataan ngayon ang takot magkamali, takot ma-cancel, at takot hindi mapansin. Sa halip na matutong mag-isip nang kritikal, nasasanay silang maghintay ng approval bago magsalita o kumilos. Unti-unting nabubuo ang isang henerasyong mas marunong magpakitang-tao online kaysa magkaroon ng sariling paninindigan.


Hindi simpleng trend ang digital validation culture. Isa itong malinaw na manipestasyon kung paano kontrolado ng social media ang pag-iisip, asal, at pagpapahalaga ng tao. Habang patuloy nating hinahayaang diktahan ng internet ang ating halaga, mas lalong nawawala ang kakayahan nating maging totoo sa sarili at mag-isip nang

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page