top of page

Legal Advice ni Ate Vice: Usapang Mana


Bukod sa bentahan ng lupa, isa rin sa pinakamadalas kong nakikitang sanhi ng alitan sa pamilya ay ang usapin ng mana.


Sa ilalim ng ating batas sa succession, parehong may karapatan sa mana ang legitimate at illegitimate children. Ang legitimate children at surviving spouse ay karaniwang may pantay-pantay na bahagi, habang ang illegitimate child naman ay may karapatang tumanggap ng kalahati ng bahagi ng isang legitimate child. Marami pa ring hindi nakakaalam nito, kaya madalas nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan kapag dumating na ang hatian ng mga ari-arian.


Isa pa sa malaking problema sa ating kultura ay ang pag-iwas ng maraming Pilipino sa pag-uusap tungkol sa mana habang sila ay nabubuhay pa. Hindi kasi pangkaraniwan sa atin ang paggawa ng last will and testament. Dahil dito, kapag namatay ang isang tao nang walang habilin, ang batas sa intestate succession (pagmamana nang walang huling habilin) ang magdidikta kung paano hahatiin ang mga naiwan niyang ari-arian.


Sa aking pananaw, maraming sigalot sa pamilya ang maiiwasan kung mas magiging maingat tayo sa dokumentasyon at mas magiging bukas tayo sa pagpaplano habang maaga pa. Hindi sapat ang tiwala lamang kahit pa magkamag-anak kayo. Mas mabuti pa rin na malinaw at maayos ang mga dokumento upang maiwasan ang mga problema sa hinaharap.


Kung may ari-arian kayong nais ipamana, huwag nang hintaying magkaroon pa ng alitan ang pamilya bago ninyo ayusin ang inyong mga legal na dokumento. Sa usapin ng lupa at mana, ang tamang kaalaman sa batas ay hindi lamang para sa proteksiyon ng inyong mga ari-arian. Ito rin ay isang paraan upang mapanatili ang kapayapaan sa loob ng pamilya.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page