top of page

Malinaw na Bag, Malabong Kinabukasan


Ang pagsusuot ng transparent bag ay isang solusyon na ginawa upang mapigilan ang pagdadala ng armas sa paaralan, Mas mapapadali at mapapabilis nito ang pag-iinspeksyon sa mga pumapasok sa eskwelahan. Tila napakagandang solusyon ito para pigilan ang pagdadala ng armas at maiwasan ang karahasan sa loob ng paaralan.

Ngunit sa malinaw na bag, nakatago ang pinakamalalim na isyu. Mawawalan ng karapatan sa sariling gamit ang mga mag-aaral. Kung makikita ang lahat ng dala naming gamit, para na rin kaming hinubaran, dahil kaming mga estudyante ay may karapatan din sa sarili naming gamit; kami dapat ang magdedesisyon kung ipapakita ba namin ito o hindi. Dagdag pa rito ang gastos sa pagbili nito. Magiging problema ito sa mga magulang na hirap na sa buhay, lalo na kung sapatos lamang ang perang sinasahod para sa pang-araw-araw na pangkain at sa iba pang gastos na kailangang bayaran.

At higit sa lahat, ang bag ay hindi dahilan kung bakit nagagawang maghiganti ng mga mag-aaral, hindi ito ang ugat ng problema. Ang paghihiganti ay hindi nagmula sa bag, nagmula ito sa puso at isipan ng kabataan. Kung walang suporta sa kalusugang pangkaisipan at walang tunay na pagmamahal at gabay, kahit gaano pa kalinaw ang bag, mananatili namang malabo ang ating kinabukasan.

Ang tunay na kaligtasan ay hindi nakikita sa plastik na bag; ito ay nararamdaman natin sa ligtas na kapaligiran, pag-unawa, at pagpapahalaga sa atin ng mga taong nasa paligid natin. Kung mananatiling mali ang pakikitungo natin sa isa't isa, hindi natin magagawan ng solusyon ang problemang ito. Mas mainam na maging mabuti sa kapwa kaysa ito ay kutyain at sabihan ng mga personal at hindi magagandang salita. Huwag nating ibigay ang pansamantalang lunas lamang sa pamamagitan ng pagsuot ng plastik na bag, mas mainam na ating palaguin ang pagiging mabuti sa kapwa, upang maiwasan natin ang hindi pagkakaunawaan, pagtatanim ng galit sa atin, at maiwasang malason ang isip ng kabataan na mag-uuwi sa pagpatay

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page