top of page

Sa Likod ng Gamit, May Mas Matinding Panganib


Madugong pangyayari, sana mabigyan ng proteksyon habang pinahahalagahan ang edukasyon.

Matapos ang insidenteng naganap nitong Hunyo 2026 sa Tacloban, hindi pa man humuhupas ang isyu, hindi inaasahang madugtungan ng panibago na namang suliranin sa Ateneo de Zamboanga Junior High School nitong ika-18 ng Agosto, matapos mamaril ng isang estudyante sa loob ng paaralan. Dalawang mag-aaral ang namatay, habang ang iba ay sugatan, sa pagtugon sa isyu—sinuspinde ang klase sa paaralan.

Sa nangyayari, hindi dapat tayo masanay; dapat nang mabigyan ng sapat na proteksyon ang bawat mag-aaral na nadamay at naghihirap mag-aral nang matiwasay dahil sa kaguluhan.

Ngunit bakit nangyari na naman ito? Nasaan ang seguridad ng mga paaralan?  Hindi sapat ang paghihigpit sa pagpasok kung hindi naman handa ang paaralan sa mismong panganib.

Sa paaralan, may matututunan, at dapat itong maging ligtas na lugar, ngunit—sa kabila ng mga sinapit ng mga paaralang

Nabiktima ng mga ganitong klaseng isyu, hindi man lang nadadagdagan ang seguridad at proteksyon ng paaralan at mga estudyante.

Dapat tayong magsaliksik ng mga paraan upang malutas ang problema ng bawat kabataan, ang paaralan ay naglalaman ng hindi lang edukasyon, kundi na rin proteksyon, walang matututo, kung hindi mapipigilan ang mga nanggugulo

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page