top of page

Talumpati Sana’y Patungo sa Gawa


Sa lahat ng salitang lumabas, sana lahat ay totoo para sa bayan. Kahilintay ng taumbayan, idinaos noong Hulyo 27, 2026 ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong"  Marcos Jr. Inilahad niya ang kalagayan ng bansa, administrasyon at mga kasunod na hakbang upang mapabuti ang bansa.


Mas maraming trabaho, pero sapat ba ang kalidad at sahod? Isa sa mga pahayag ng pangulo ang patungkol sa trabaho at ekonomiya, isang mahalagang usapin dahil marami ang Pilipinong lugmok sa kahirapan at wala pang maseserbisyuhan para sa pamumuhay. Panunumpa para sa paglikha ng maraming trabaho, pagtulong sa maliliit at pausbong na negosyo, pagbawas sa buwis, at pagbawas ng gastusin ng bawat isa—ayon sa pangulo.


Higit na makatutulong ito sa mga mamamayan upang muling tumayo sa kanilang pagkadapa sa buhay, dahil dito, maaaring mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magkaroon ng maayos na hanapbuhay, sapagkat ang pagkakaroon ng disenteng hanapbuhay ay nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa bawat Pilipino.


Ngunit, hindi sapat lamang na dumami ang mga trabaho, dapat ding tiyakin na ang mga ito ay may katarungang sahod, seguridad, at sapat upang maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino, at hindi sapilitang kumuha ng mga trabahong hindi sasapat sa pang-araw-araw. Ang bansa ay hindi nasusukat sa dami ng trabaho, kundi sa kalidad at tulong nito sa mga Pilipino.


Sa panahong ito na minsan’y walang kasiguraduhan ang mga salita ng mga nasa mataas na posisyon, bilang isang taumbayan—huwag tayong magpadalos-dalos at asahan nang lubos ang mga pangako, bigyan natin ang sarili natin ng kusa upang sa anumang mangyaring hindi katotohanan, tayo’y handa. Ang bayarin ay mas tumataas, kaya’t ang sahod din ay kailangang mas mataas.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page