top of page

Teknolohiya, ngunit sa anong kapalit?


Teknolohiya at pag-unlad o kabuhayan ng mga nasa ibabang antas ng lipunan? Panibagong suliranin ang dapat masolusyonan:: ang umuusbong na isyung kumakalat ngayon sa Pilipinas.


Usapin ngayon ang Pax Silica na isang US-led international initiative na naglalayong masuportahan at mapanigurado na tuloy-tuloy ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) anumang mangyari. Noong Abril 2026, opisyal na nakilahok ang Pilipinas sa Pax Silica na pinangungunahan ng Estados Unidos.


Dahil sa pakikiisa ng Pilipinas sa kasunduang pagtatayo ng AI-native industrial hub sa Luzon Economic Corridor sa New Clark City, naging usapin ngayon ang pagkilala sa bansa bilang kaalyado o katulong ng samahang ito, sa pamamagitan ng posibleng pag-ambag ng mga likas na yaman tulad ng mga mineral, nickel, copper, at iba pa. Dahil mayaman ang Pilipinas sa likas na yaman, maaaring tumaas ang pangangailangan sa mga mineral na mahalaga sa industriya ng AI at semiconductor—na nagpapataas din ng papel ng Pilipinas sa pandaigdigang teknolohiya. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa Pilipinas na higit na makibahagi sa pag-unlad ng makabagong teknolohiya. Bukod rito, posibleng lumikha ng libu-libong trabaho at mapalakas ang industriya ng AI at semiconductor ng bansa.


Ilang mamamayan ang lubos na nagagalit at nalulungkot sa  ito; ang kalikasan ng Pilipinas ay siyang pinagkukuhanan ng pamumuhay ng mga Pilipino, at siya ring ngayo’y iniaalay para sa teknolohiya. Damay din ang soberanya ng bansa. Muling naiimpluwensiyahan ng US ang Pilipinas—hindi agad-agad, ngunit paunti-unti. Sa pagkasapi ng bansa sa US-led international initiative na ito, may pangamba ang mga Pilipino ngayon sa pagkasira ng kalikasan, kakulangan ng mga kinukuhang yaman, at unti-unting pagkaubos ng mga pangangailangan at natatanging yaman.


Bilang isang mamamayang Pilipino, dapat kong pangalagaan ang kalikasan. Simpleng salita lamang ang "pangalagaan", ngunit sa likod nito ay may madilim na palang suliranin. Ang likas na yaman ay hindi dapat isugal sa pansamantalang pag-unlad. May iba’t ibang makatutulong na impluwensiya man ito, ngunit may kapalit na kahirapan at pagtanggal ng kabuhayan ng kapwa nating Pilipino. Ang AI ay nariyan lang, ang kabuhayan at pag-asa ng bansa ay hindi nahahanap kung saan-saan lang.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page