top of page

Tirahan Niyo, Tambakan Nila


Luhod na lunod ang naranasan ng mga bahagi ng lupain sa Tibag, Barangay Naugsol, Subic, Zambales matapos tambakan ng mga basura, kung saan naninirahan ang mga Aeta. Nitong ika-11 ng Hulyo 2026, isa sa mga dokumentaryo ni Kara David ang "Ibinasurang Paraiso" kung saan ipinakita niya ang epekto sa ilang bahagi ng lupain sa nasabing lugar dahil sa mga basura.

Hindi na pala bago ang krisis na ito sa mga Aeta, noong 2019 nang inalinsunod na simulang gamitin ang lugar bilang pagtatapunan ng mga basura. Noong 2022, inilabas ang Cease-and-Desist Order (CDO) nang matuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paglabag sa batas sa solid waste management. Nito lang Marso 2026, muling naglabas ang DENR ng Cease-and-Desist Order at inutos na ang pagsasara ng dumpsite at paglipat ng basura sa akreditadong tambakan ng basura. Isa sa mga napanayam ni Kara ay si Tatay Mariano na isa sa mga naninirahan sa apektadong bahagi—"nagtitiis na lang ako kasi andun yung mga talong ko, andiyan yung kabuhayan ko," saad niya. Malalaman: hindi lang ang lugar ang apektado, kundi pati na rin ang kanilang kabuhayan.

Ayon sa panayam ni Kara sa Local Government Unit (LGU) ng Subic, sinabing naghahanap sila ng lugar kung saan pansamantalang tambakan o dumpsite. Paliwanag din nila na hindi nila alam na may mga katutubong naninirahan doon. Sinabing kung alam nila na may mga naninirahan dito ay hindi nila ito gagawing tambakan ng basura.

Ang mga lupain ay tuluyang nanlambot. Nabanggit din ni Kara na ang dahilan ng paglambot ng ilang bahagi ay ang inaapakan pala na akala niya ay lupa lang; isa pala itong basurang pinaghalo-halo at tinabunan ng lupa. Delubyo sa mga Aeta o mga katutubong naninirahan dito ang suliraning ito; sumira ng hanapbuhay at tanging tinitirahan.

Libu-libo man o milyong basura ang nasa paligid, hindi dapat natin ito itambak sa mga inaakala lang nating "isolated" na lugar, may naninirahan man o wala, dahil nasisira ang kapaligiran natin. Upang masolusyonan ang delubyong ito, ang basura ay maaaring gamiting pataba upang makatulong pa sa pagbubunga ng mga tanim. Habang ang iba naman ay maaaring i-recycle. Gawan ng paraan upang ang kalikasan, katutubo, at hanapbuhay ay hindi madamay.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page