top of page

Tubig o Ai: Ano Ba Talaga Ang Mas Mahalaga Para Sa Kinabukasan?


Ano nga ba ang mas importante? Tubig o Artificial Intelligence(AI).Sa mga nagdaang araw, mainit na balita pa rin ngayon ay tungkol sa artificial intelligence."We can live without AI, but we can't live without water, "Aniya ng ibang netizen sa mga social media platforms.


Sa panahon ngayon, maraming kabataang gumagamit ng artificial intelligence o mas kilala bilang AI. Karamihan dito ay mga estudyante. Hindi lang nila ito pinagkukunan ng ideya kundi kinocopy-paste na lamang nila ito. Ang AI rin ay may malaking tulong para sa karamihan,ngunit para sa iba naman ito ay malaking banta dahil sa bawat pag-generate ng Ai, ito ay kumokonsumo ng tubig na siyang kinababahala ng marami.


Lubos ang pag-aalala ng iba na baka sa mga susunod na henerasyon o taon ay unti-unti na tayong palitan ng Ai o kaya naman ay maging advanced na ang lahat ng bagay na siyang ding pinag-aalala ng marami,sapagkat napapadali ng Ai at advanced technology ang lahat,ngunit ang mga taong may likas na kakayahan ay mababale-wala na lamang.


lalo pang uminit ang isyu ng bali-balitang balak ni pangulong Bongbong Marcos jr. na ipagpalit ang tubig ng pilipinas kapalit ng Ai o Artificial intelligence."Aanhin naman natin ang Ai,kung may sarili naman tayong angking talino,” dagdag ng isang estudyante online. Huwag nating hayaang mapalitan tayong mga tao ng Ai, sapagkat tao lang din naman ang may gawa nito. Lubos na mas matalino tayong mga tao kaysa sa artificial intelligence. Tayo ay hinuhubog ng ating mga napagdadaanan sa buhay,samantalang ang Ai ay isa lamang robot.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page