top of page
All Articles
Search


Lupa sa gilid ng ilog sa Pulilan, unti-unting gumuho matapos ang sunod-sunod na pag-ulan
PULILAN, Bulacan — Unti-unting gumuho ang bahagi ng lupa sa gilid ng ilog sa Brgy. Paltao, Pulilan, Bulacan, kasunod ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng mga nagdaang bagyo at pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Pinaniniwalaang lumambot ang lupa dahil sa patuloy na pag-ulan. Ilang minuto lamang ang lumipas nang unti-unting bumigay ang ilang bahagi ng pampang, kasama ang mga punong nakatayo malapit sa gilid ng ilog. Dahil sa paggalaw ng lupa, naapektuhan din ang pader ng
Nancy B. Cruz
Aug 121 min read


Sta. Peregrina High School Matinding Pagbaha ang naranasan dulot ng Habagat at mga Bagyo
PULILAN, Bulacan— Binaha ang eskwelahan ng Sta. Peregrina High School dahil sa pinagsamang epekto ng mga bagyong Maymay at Luis at ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat), nagsagawa ang mga administrador ng paaralan na magpatupad ng mga pansamantalang kaayusan sa pag-aaral. Malaking bahagi ng paaralan ang binaha at kabilang sa mga pinakaapektadong lugar ay ang mga silid-aralan sa ground floor na ginagamit ng mga mag-aaral sa Grade 7 at Grade 8, kung saan ang ilang pulgada

Isha Reyes
Aug 111 min read


Relief goods ipinamahagi sa anim na barangay sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Nagpatuloy ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa paghahatid ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng mga nagdaang pag-ulan at pagbaha dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Pinangunahan ni Mayor RJ Peralta, kasama si Vice Mayor Atty. Imee Cruz at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang pagpunta sa iba't ibang barangay upang personal na mamahagi ng relief goods at kumustahin ang kalagayan ng mga residente. Kabilang sa mga binisitang lugar ang Da
Lex Aya-ay
Aug 111 min read


Inaasahan ang Pagkaantala ng Suplay ng Tubig sa Ilang Barangay sa Pulilan
Pulilan, Bulacan — Maaaring makaranas ng mahinang presyon ng tubig o pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang mga residente sa ilang barangay sa Pulilan matapos magkaroon ng problema sa Low-Voltage power ang Peñabatan Pumping Station, ayon sa Pulilan MWSO. Sinabi ng ahensya na gumagamit sila ngayon ng generator upang pansamantalang magbigay ng kuryente sa pumping station habang inaayos ang problema. Kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangay Peñabatan, Balatong A, B

Isha Reyes
Aug 111 min read


Justine San Pedro at Michayla Simone Eusebio, kakatawan sa Pulilan sa Hari at Reyna ng Singkaban 2026
PULILAN, Bulacan — Opisyal nang ipinakilala ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan, sa pangunguna ni Mayor Rolando Sison Peralta Jr. katuwang ang Pambayang Tanggapan ng Turismo, ang mga kinatawan ng bayan para sa nalalapit na Hari at Reyna ng Singkaban 2026. Kakatawan bilang Hari ng Pulilan si G. Justine San Pedro, habang si Bb. Michayla Simone Eusebio naman ang magiging Reyna ng Pulilan sa patimpalak na bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival sa Lalawigan ng Bulacan. Bitbit ng

Isha Reyes
Aug 111 min read


BFP Pulilan nagsagawa ng water level monitoring at clearing operations dahil sa Habagat
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng roving, water level monitoring, clearing operations, at coordination activities ang mga tauhan ng Pulilan Fire Station sa iba't ibang barangay sa bayan bilang tugon sa patuloy na epekto ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni FSINSP Khenlee D. Bawing, Municipal Fire Marshal ng Pulilan Fire Station, sa superbisyon ni FSSUPT Jose Raymund B. Manimbo, Provincial Fire Marshal ng BFP Bulacan, at s

Eury Peralta
Aug 101 min read


Bulacan makararanas pa rin ng pag-ulan dahil sa Habagat; flash flood posible
BULACAN — Patuloy na makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan ang Bulacan dahil sa Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa 24-Hour Public Weather Forecast ng PAGASA na inilabas alas-4:00 ng hapon ngayong Agosto 10. Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ang Bulacan ng moderate to heavy rains na maaaring magdulot ng flash floods, partikular sa mga mabababang lugar at komunidad na malapit sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig. Kasama rin sa mga lugar na inaasahang makararanas ng o

Isha Reyes
Aug 101 min read


Walang pasok sa maraming bayan at lungsod sa Bulacan sa Agosto 11 dahil sa Habagat
BULACAN — Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang maraming lokal na pamahalaan sa Bulacan para bukas, Martes, Agosto 11, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat. Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Angat, Balagtas, Baliwag City, Bocaue, Bulakan, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Malolos City, Meycauayan City, Norzagaray, Obando, Pandi, Paombong, Plaridel, Pulilan, San Ildefonso, City of San Jose del Mont

Eury Peralta
Aug 101 min read


AIC Volunteers namahagi ng lugaw sa mga residente ng Brgy. Dampol 1st
PULILAN, Bulacan — Namahagi ng mainit na lugaw ang VM AIC Volunteers sa mga residente ng Brgy. Dampol 1st bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga Pulilenyong naapektuhan ng maulang panahon. Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, nagtungo ang mga volunteers sa komunidad upang maihatid ang mainit na pagkain at maipadama ang suporta sa mga residenteng nangangailangan. Ayon sa Tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, mahalagang patuloy na maiparamdam sa bawat mamamayan na walang

Isha Reyes
Aug 101 min read


Ipo Dam nagpakawala ng tubig; mga residente sa mabababang lugar pinag-iingat
BULACAN — Nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam noong Agosto 9 kasunod ng patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa reservoir bunsod ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Ayon sa NIA Bulacan Irrigation Management Office, nagpakawala ang Ipo Dam, na pinangangasiwaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ng 156.56 cubic meters per second (cms) ng tubig simula alas-1:00 ng hapon. Samantala, naitala sa 17.15 meters ang water level ng Angat Afterbay Regulator Dam

Isha Reyes
Aug 101 min read


Walang pasok sa lahat ng antas sa Bulacan sa Agosto 10
BULACAN — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Bulacan bukas, Lunes, Agosto 10, dahil sa posibleng epekto ng patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Inihayag ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang suspensyon batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) bilang pag-iingat at upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga Bulakenyo

Isha Reyes
Aug 91 min read


Ilang lugar sa Pulilan, binaha dahil sa patuloy na pag-ulan
Poblacion, Pulong Tisya Sto. Cristo, Pulilan, PULILAN, Bulacan — Binaha ang ilang bahagi ng Bayan ng Pulilan kasunod ng patuloy na malakas na pag-ulan na nararanasan sa lugar. Kabilang sa mga naiulat na may pagbaha ang Purok 3 sa Brgy. Tibag, Brgy. Sto. Cristo, Brgy. Poblacion, at Pulong Tisya. Purok 3 Tibag, Pulilan Pinapayuhan ang mga motorista at residente na maging maingat sa pagdaan sa mga bahaging may mataas na tubig at iwasang tumawid sa baha kung hindi matiyak ang lal

Eury Peralta
Aug 91 min read
bottom of page


