top of page

Higit Pa sa Laro: Ang Pagkakaibigang Naging Pamilya


Nagsimula ang lahat sa isang tryout. Akala ko pa noon magkakalaro lang tayo. Basta magpapakita lang ng palo, magpapawis, maglalaro, at magkakalaban.

Pero habang unti-unting nalalagas ang shuttlecock, unti-unti ring lumalalim ang samahan natin. Mula sa pag-training tuwing hapon, sabay-sabay na tayong kumain pagkatapos at umuwi. Mula sa simpleng ngitian, naging malalim na ang mga kuwentuhan natin—tungkol sa problema, pangarap, at mga bagay na hindi natin masabi sa iba o kahit sa mga pamilya pa natin.

Sa tuwing may nadadapa sa atin, sabay pa rin tayong bumabangon. Sa bawat panalo, sabay pa rin tayong tumatalon sa tuwa. At kapag may problema ako sa labas ng court, kayo ang unang nandiyan para saluhin ako.

Naalala ko pa noon, bumili pa tayo ng isang family size na ice cream para pagsaluhan natin kasi nakaraos na naman tayo sa isang matagumpay na laro. Hindi man pinalad ang iba sa atin na manalo. Ako pa ang pinag-lead niyo ng prayer bago lantakan ang ice cream. Tag-iisa pa tayo ng kutsara noon at halos mabulunan na tayo sa kakatawa habang kumakain.

Pilak na medalya man ang natanggap ko nung araw na yun, pero ginto ko naman ilalarawan ang araw na yun.

Hindi na lang kayo basta kaibigan lang sa akin. Para na kayong pamilya para sa akin. Hindi man tayo magkakadugo at iba-iba man tayo ng bahay na tinutuluyan, pinagtagpo tayo ng laro na naging bahagi na ng buhay ko.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page