top of page

Paano Kung Takot Ang Unang Salubong Sa Iyo Sa Paaralan?


Noon, ang paaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan ng mga kabataan, kung saan unti-unting nahuhubog ang kanilang mga pangarap.


 Dito nagsisimulang matuto; sa bawat silid-aralan ay may mga kabataang nangangarap na maging pulis, nars, guro, o sundalo.


May mga araw na dapat ang paaralan ay tila bulaklak na namumulaklak sa kaalaman, ngunit sa paglipas ng panahon, tila ang mga bulaklak ay hindi na bumubulaklak.


Hindi ba dapat ang mga kabataan ay komportable sa paaralan?


Sa paaralan, puno ng pag-asa pero puno rin ng pangamba.


 Nakakalungkot isipin na imbes na mangarap ang mga kabataan na makapagtapos ay mas pinipili na lamang nilang manatili sa kanilang mga sariling tahanan.


Hindi ba dapat tanging bag lamang ang mabigat para sa kanila? Pero bakit parang iba pa ang pasan nila?


Sa halip na maging ligtas, ang mga kabataan ay may mga paaralan na nagiging saksi ng karahasan, pambubuwisit, pananakit, pananakot, at iba pang karahasan online.

Hindi lang naman ito tungkol sa pisikal na pananakit; minsan, nagsisimula ito sa pabiro pero mapanlait.


Mga bidyo at piktyur na inilalabas online na walang pahintulot, o mga “joke” na paulit-ulit na lang sinasabi hanggang sa mawala nang tuluyan ang tiwala ng isang tao. Mas malalim ang sakit at pinsala na maidudulot nito sa emosyonal na karahasan.


Maaaring habang nagbibiruan kayo ay nakangiti pa rin ang kausap mo, pero hindi mo na alam ang takbo ng isip nito. Puwedeng hindi sila nagsasalita dahil sa takot na mawalan ng kaibigan o puwede rin na takot silang sabihan.


 Sila ang madalas na nagdurusa nang tahimik at nangangamba na hindi sila paniniwalaan at mapagtawanan.


Sa panahon ngayon, kailangan bang maging perpekto sa paningin ng mga tao?


Sadya ba talagang nakulangan lang sa disiplina ang mga kabataan kaya nila ito nagagawa o may iba pang dahilan?


Impluwensya ng social media sa kaisipan ng karamihan, problema sa pamilya, at kawalan ng gabay na mula sa mga nakatatanda.


Gayunpaman, hindi sapat ang pagtuturo kung hindi naman maisasabuhay.


Mas mapagtutuunan ito ng pansin kung magkakaisa ang lahat, hindi lamang ang paaralan, kundi maging ang pamilya at komunidad, upang masolusyonan ang anumang uri ng karahasan.

Hindi sapat ang pagiging tahimik. Hindi ang katahimikan ang makatutulong at makapagliligtas sa iyo.


Ang pagpiling manahimik sa gitna ng kalbaryo ay tila pagbubuhos ng tubig sa apoy na lalo lamang lumalaki. Ikaw sa sarili mo ay maaaring magningning sa mga araw na ang buhay mo ay nagdidilim.


Ang paaralan ay hindi dapat katakutan at hindi kailanman dapat katakutan.

Hindi dapat ito maging sanhi ng pagliban sa klase ng mga kabataan; sa halip, maging dahilan ito para mas matuto at maging komportable ang mga kabataan sa kanilang pangalawang tahanan.


Nasa atin kung hahayaan nating malanta ang bulaklak sa hardin kasama ang tinik ng mga karahasan o patuloy na magbunga ang mga bulaklak na may pag-asa.

Wala dapat tayong katakutan.


Patungo na kaya tayo sa lipunang hinahayaan na maging normal ang mga karahasan, o sa mundong mas pipiliin na gawing sandata ang karunungan, hindi ang kayabangan?


Ang pagbabago ay nagsisimula sa iyong simpleng desisyon. Pipiliin mo ba na maging bahagi ng solusyon o manatili sa katahimikan?


Kapag ang paaralan ang naging dahilan ng pagkakaroon ng tahanang komportable at may malasakit, mas malinaw na makikita ang kinabukasan ng mga kabataan.


Ako ay may katanungan: saan na ba tayo patungo?


Tayo ba ay patungo na sa isang maunlad na kinabukasan, o mananatiling takot sa mga bagay na hindi natin ikauunlad?


Good evening, po, Sir. Nag-try lang po ako mag-Filipino kasi Grade 5 pa po ang huli kong sulat ng Filipino article. Gusto ko lang po ulit matuto magsulat na hindi english

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page