top of page

Pagod at puyat ang araw-araw na pasan


Tila mapapadali nga ba ang pag-aaral, o tila pagod at lugmok lamang ang maidudulot? Ang paaralan ba ay dapat na tahanan ng ligaya, o isa na lamang pinagkukunan ng walang katapusang gawain? Pagkatuto nga ba ang tunay na layunin, o pagkaubos sa labis na pagkapagod ang nais nilang mangyari sa amin? Araw-araw ay pagod ang aming pasan — ngunit bakit tila hindi pa rin sapat ang pondong pinagkakaloob sa edukasyon? Araw-araw pasan ang gawain, ulat, at aralin na kailangang matapos agad — sa dusa na lamang ba iikot ang aming mundo? Tila ano ba talaga ang gusto ninyong mangyari sa amin?


 Sa totoo lang, hindi napapadali ang aming pag-aaral. Bagkus ay mas lalo itong nakakapagod at nagiging pasakit na sa aming katawan at isipan. Araw-araw ay punong-puno kami ng gawain, ulat, at aralin na kailangang tapusin agad. Wala kaming panahong magpahinga o makasama ang pamilya — pitong oras kaming nag-aaral sa paaralan, at pag-uwi ay may gawain pa. Pati Sabado at Linggo ay sinasakop na rin ng trabaho.


 Kung sapat lamang ang pondo sa edukasyon, marahil ay mas magaan ang aming pasanin. Ngunit sa kakulangan, lalo lamang kaming nabibigatan. Puro gawain na lamang ang inaatupag — wala nang panahong mahubog ang talento at maranasan ang ligaya ng pagiging estudyante. Ang tunay na pagkatuto ay hindi lamang sa libro, kundi sa karanasan at ligaya rin.


 Kaya kung tatanungin kung ano ang nais naming mangyari: nais naming mag-aral nang may ligaya, hindi mabigatan hanggang sa maubos. Umaasa ako na mabibigyan ito ng pansin. Ang edukasyon ay dapat na magbigay ng lakas, hindi aalisin ang aming sigla, at hindi magbigay ng pagod at puyat.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page