top of page
All Articles
Search


Pagpapalawak ng MTRCB sa streaming platforms isinusulong
Isinusulong sa Kamara ang pagpapalawak ng mandato ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) upang masaklaw ang online streaming platforms at subscription video-on-demand services tulad ng Netflix, kasunod ng pagbabago sa paraan ng panonood ng mga Pilipino. Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa modernisasyon ng mandato ng ahensya sina Leyte 2nd District Rep. Lolita Javier at PHILRECA Party-list Rep. Presley de Jesus. Tinalakay ang usapin kasabay ng del

Isha Reyes
Sep 221 min read


Sa Gitna ng mga Bitak.
Sa lupang puno ng lamat, isang munting dahon ang marahang sumisibol, humahabol sa liwanag. Gaya natin, hindi kailangang maging perpekto upang patuloy na lumago. Sapagkat kahit sa gitna ng mga bitak, may pag-asang kayang mamukadkad. At sa bawat pagsibol, pinatutunayang ang mga lamat ay hindi katapusan, kundi simula ng panibagong buhay.

Jeth Steven S. Recio
Sep 221 min read


Top 9 most wanted ng Baliwag, naaresto sa bisa ng warrant
BALIWAG CITY, Bulacan — Naisilbi ng Baliwag City Police Station ang warrant of arrest laban sa Top 9 Most Wanted Person ng lungsod noong Setyembre 21 kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Fencing Law of 1979. Ayon kay PLTCOL Eisbon L. Llamasares, hepe ng Baliwag CPS, ang 51-anyos na babaeng akusado at residente ng Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal ay naaresto ng Tracker Team bandang 4:15 ng hapon. Ang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 20 sa Malolos, Bulacan noong
Nancy B. Cruz
Sep 221 min read


Ilang MSWDO programs sa Pulilan pansamantalang suspendido
PULILAN, Bulacan — Pansamantalang suspendido ang pagpapatupad at payout ng ilang social welfare programs ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Pulilan kaugnay ng mga election-related restrictions para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Kabilang sa mga pansamantalang hindi isasagawa ang Birthday Cash Gift para sa senior citizens at Persons with Disabilities (PWDs), PWD Cash Assistance, Educational Assistance, Scholarship Program
Xander Tiongson
Sep 221 min read


Batang Pulilenyo kampeon sa Spelling Bee
PULILAN, Bulacan — Kinilala ang batang Pulilenyo na si Enzo Benedict C. Magarin matapos magkampeon sa Spelling Bee at makapasok bilang qualifier para sa Regional Semi Finals. Si Magarin ay Grade 6 student ng Colegio de Santa Philomena at nakamit ang championship matapos makipagsabayan sa kompetisyon sa spelling. Dahil sa kanyang pagkapanalo, uusad si Magarin sa susunod na yugto ng kompetisyon bilang Regional Semi Finals Qualifier. Inaasahang muli niyang kakatawanin ang kanyan

Isha Reyes
Sep 221 min read


LPA09g sa labas ng PAR, mataas ang tsansang maging bagyo
Mataas na ang posibilidad na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras ang Low Pressure Area (LPA 09g) na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Martes, Setyembre 22. Batay sa monitoring alas-8:00 ng umaga, nananatili sa labas ng PAR ang naturang LPA ngunit itinaas na sa “high” ang potential nitong maging isang tropical cyclone. Patuloy na binabantayan ang development at galaw ng LPA para sa posibleng pagbabago sa lakas at dire
Lex Aya-ay
Sep 221 min read


1,676 job vacancies bubuksan sa Pulilan Job Fair
PULILAN, Bulacan — Aabot sa 1,676 job vacancies mula sa iba't ibang industriya ang bubuksan para sa mga aplikante sa Pulilan Job Fair 2026 na gaganapin sa Setyembre 24 sa ground floor ng SM Center Pulilan. Pangungunahan ng Public Employment Service Office (PESO) Pulilan, katuwang ang mga partner agencies at participating employers, ang aktibidad na naglalayong direktang pag-ugnayin ang mga naghahanap ng trabaho at mga kumpanyang nangangailangan ng empleyado. Kabilang sa mga l
Lex Aya-ay
Sep 211 min read


300 Bulacan police personnel ide-deploy sa Metro Manila
MALOLOS CITY, Bulacan — Umabot sa 300 personnel ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang inihanda bilang Civil Disturbance Management (CDM) contingent upang tumulong sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay ng mga aktibidad para sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. Nagsagawa ang Bulacan PPO ng physical accounting at Human Rights-Police Information and Continuing Education (PICE) para sa mga personnel noong Setyembre 20 sa covered court ng

Eury Peralta
Sep 211 min read


Bagong LPA 09g binabantayan sa labas ng PAR
Isang bagong Low Pressure Area (LPA 09g) ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo, Setyembre 21. Batay sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw, nananatiling nasa labas ng PAR ang naturang sama ng panahon. Sa kasalukuyan, mababa o “low” ang posibilidad na maging Tropical Depression ang LPA 09g sa loob ng susunod na 24 oras. Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather updates para sa anumang pagbabago s
Lex Aya-ay
Sep 211 min read


TOYCON PH kinilala sa AMPEX 2026
Photo Courtesy: TOYCON PH: The Philippine Toys, Hobbies and Collectibles Convention TAGUIG CITY — Kinilala ang TOYCON PH bilang bahagi ng creative industry sa larangan ng design sa ginanap na DTI Malikhaing Pinoy Creative Industries Expo (AMPEX) 2026 nitong weekend. Kasabay ng pagkilala, tampok din sa expo ang mga gawa ng mga lokal na toy designer, na nagbigay-puwang upang maipakita ang art toys at collectible figures bilang bahagi ng lumalawak na creative sector sa Pilipinas
Paul Sanvictores
Sep 201 min read


Mga residente ng Calumpit nag-rally kontra baha
CALUMPIT, Bulacan — Nagsagawa ng People’s Rally ang mga residente ng Calumpit ngayong Linggo, Setyembre 20, upang manawagan ng pangmatagalang solusyon sa pagbaha at pananagutan kaugnay ng mga alegasyon ng anomalya sa flood-control projects. Ayon sa mga residente, maraming komunidad sa bayan ang nananatiling binabaha matapos ang halos dalawang buwan. Matagal nang kabilang ang Calumpit sa mga flood-prone na lugar sa Bulacan, habang naiulat din nitong mga nakaraang buwan ang pat
Xander Tiongson
Sep 201 min read


Mga residente ng Hagonoy nagprotesta sa gitna ng baha
HAGONOY, Bulacan — Sa kabila ng abot-binting baha dulot ng high tide, ipinagpatuloy ng ilang residente ng Hagonoy ang kanilang pagkilos nitong Linggo, Setyembre 20, upang ipanawagan ang aksyon sa patuloy na problema sa pagbaha sa kanilang lugar. Kasabay nito, nagpahayag din ang mga kalahok ng kanilang pagtutol sa korapsiyon at nanawagan ng pananagutan kaugnay ng mga suliraning kinakaharap ng kanilang komunidad. Isinagawa ang protesta habang nakalubog sa baha ang ilang bahagi

Eury Peralta
Sep 201 min read
bottom of page


