top of page
All Articles
Search


Klase suspendido sa ilang bayan sa Bulacan dahil sa Bagyong Luis
BULACAN — Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Bulacan ngayong Martes, Agosto 4, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong Luis. Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Calumpit at Pulilan, kung saan ipatutupad muna ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante. Sa San Ildefonso, suspendido naman ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Senior High S

Eury Peralta
Aug 31 min read


Water supply sa Dampol 1st, Lumbac at Tibag posibleng humina o pansamantalang mawala
PULILAN, Bulacan — Inaasahang makararanas ng mahinang daloy o pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Pulilan matapos magkaroon ng biglaang pagkasira ang Dampol 1st Pumping Station. Ayon sa inilabas na abiso, kabilang sa mga maaapektuhang lugar ang mga barangay ng Dampol 1st, Lumbac, at Tibag. Kasalukuyang hinihintay ang pagdating ng contractor na magsasagawa ng kinakailangang pagkukumpuni upang maibalik sa normal ang operasyon ng pumping station at su
Lex Aya-ay
Aug 31 min read


Dalawang ordinansa, pasado sa 3rd and Final Reading ng Sangguniang Bayan ng Pulilan
PULILAN, Bulacan — Dalawang mahahalagang ordinansa ang naipasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan sa ginanap na 28th Regular Session noong Agosto 3. Kabilang dito ang Municipal Ordinance No. 12-24, s. 2026, na nagtatakda ng mga patakaran at regulasyon sa paggamit ng Pulilan Municipal Library. Ang ordinansa ay inakda nina Konsehal Lovy Leslie B. Valenzuela at Konsehal Juene Adrianne S. Buquid, MD. Naipasa rin sa 3rd and Final Reading ang Munic

Isha Reyes
Aug 31 min read


Klase sa lahat ng antas sa Pulilan, suspendido dahil sa Bagyong Luis
PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase bukas sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pulilan dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong Luis, alinsunod sa abiso ng DILG Bulacan. Pinapayuhan ang mga mag-aaral, magulang, at iba pang residente na manatiling alerto sa posibleng epekto ng patuloy na pag-ulan at unahin ang kaligtasan, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha. Patuloy ding hinihikayat ang publiko na subaybayan ang mga op

Eury Peralta
Aug 21 min read


Agosto 15 idineklarang special non-working day sa Bulacan
BULACAN — Idineklara ng Malacañang ang Sabado, Agosto 15, 2026, bilang special (non-working) day sa buong lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa Founding Anniversary ng lalawigan. Batay sa Proclamation No. 1376, na nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto sa bisa ng awtoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., layunin ng deklarasyon na mabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga Bulakenyo na makiisa at makilahok sa pagdiriwang ng anibersaryo ng lalawigan. Naka
Nancy B. Cruz
Aug 11 min read


Nagbabadyang Super El Nino
May mataas na posibilidad na magkaroon ng Super El Niño o malalang tagtuyot sa Pilipinas sa darating na Oktubre 2026 hanggang Enero 2027 dahil sa climate change. Ayon sa PAGASA, malaking tsansa na magkakaroon o makakaranas tayo ng matinding tagtuyot sa darating na Oktubre 2026 hanggang Enero 2027. Nasa 81% hanggang 92% ang tsansa na tayo ang makakaranas ng tagtuyot. Inaasahang aabot sa lagpas sa 45 degrees ang mararanasan nating init. Ang Super El Niño ay magdadala sa atin ng
Damaris Desiree Bernardo
Aug 11 min read


Pulilan MDRRMO, nagwagi sa 14th Bulacan Rescuelympics 2026
BALIWAG CITY, Bulacan — Nagkamit ng mga parangal ang Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bilang bahagi ng Cluster 8, kasama ang Plaridel MDRRMO at Calumpit MDRRMO, sa ginanap na 14th Bulacan Rescuelympics 2026 sa The Greenery, Baliwag. Itinanghal ang Cluster 8 bilang 2nd Runner-Up sa pangkalahatang kompetisyon. Nakuha rin ng koponan ang parangal na Best in Aquatic Safety and Rescue, bilang pagkilala sa kanilang husay sa water rescue at eme

Isha Reyes
Jul 311 min read


Tirahan Niyo, Tambakan Nila
Luhod na lunod ang naranasan ng mga bahagi ng lupain sa Tibag, Barangay Naugsol, Subic, Zambales matapos tambakan ng mga basura, kung saan naninirahan ang mga Aeta. Nitong ika-11 ng Hulyo 2026, isa sa mga dokumentaryo ni Kara David ang "Ibinasurang Paraiso" kung saan ipinakita niya ang epekto sa ilang bahagi ng lupain sa nasabing lugar dahil sa mga basura. Hindi na pala bago ang krisis na ito sa mga Aeta, noong 2019 nang inalinsunod na simulang gamitin ang lugar bilang pagtat
Anna Louise Santos
Jul 312 min read


Seminar laban sa human trafficking, isinagawa sa Pulilan Municipal Building
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong araw ang isang seminar bilang paggunita sa Anti-Trafficking in Persons National Awareness Month sa Conference Hall ng Pulilan Municipal Building upang palawakin ang kamalayan ng publiko hinggil sa pag-iwas sa human trafficking. Dinaluhan ang programa ng mga 4Ps beneficiaries at ilang kabataang Pulilenyo na nakibahagi sa mga talakayan tungkol sa mga panganib ng human trafficking, mga paraan ng pag-iwas dito, at ang kahalagahan ng maagap na

Eury Peralta
Jul 311 min read


Mula Pangako Tungo sa Gawa
Sa kanyang ikalimang SONA, naglatag si Pangulong Marcos ng mga konkretong hakbang laban sa katiwalian at pagbaha, kasama ang tulong sa gastusin, kalusugan, at kinabukasan ng bawat Pilipino—ngunit ang tunay na hamon ay nasa pagtupad sa mga ito. Ang SONA ay hindi lamang ulat ng Pangulo—ito ay salamin ng ating bayan. Sa kanyang ikalimang talumpati, hindi na lamang listahan ng proyekto ang ibinahagi ni Pangulong Marcos: hinarap niya mismo ang sugat ng katiwalian sa pondo ng pagba
Ashly Jane Cuenca
Jul 311 min read


Talumpati Sana’y Patungo sa Gawa
Sa lahat ng salitang lumabas, sana lahat ay totoo para sa bayan. Kahilintay ng taumbayan, idinaos noong Hulyo 27, 2026 ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Inilahad niya ang kalagayan ng bansa, administrasyon at mga kasunod na hakbang upang mapabuti ang bansa. Mas maraming trabaho, pero sapat ba ang kalidad at sahod? Isa sa mga pahayag ng pangulo ang patungkol sa trabaho at ekonomiya, isang mahalagang usapin dahil mar
Anna Louise Santos
Jul 312 min read


BulSU magbubukas ng online application para sa incoming freshmen sa Agosto
MALOLOS CITY — Inanunsyo ng Bulacan State University (BulSU) na magbubukas ngayong Agosto ang online application para sa mga incoming freshman na nagnanais mag-enroll sa unibersidad. Ayon sa BulSU, pinapayuhan ang mga aplikante na ihanda na ang mga kinakailangang dokumento kabilang ang Grade 11 Report Card, Barangay Certificate, utility bill, Declaration Form, at Income Tax Return (ITR) upang maging handa sa oras na magsimula ang aplikasyon. Sa kasalukuyan, wala pang inilalab

Eury Peralta
Jul 301 min read
bottom of page


