top of page
All Articles
Search


Movie Review: Seven Sundays
May mga pelikulang panoorin mo lang tapos makakalimutan mo agad, pero mayroon ding tumatak sa puso mo habambuhay. Isa na rito ang Seven Sundays—ang pelikulang walang sawa kong pinapanood. Isa siyang kuwento tungkol sa isang pamilya na magkakahiwalay at magkakaiba ang landas. Pero napilitan silang magsama-sama ulit para sa kanilang ama na nagkaroon ng malubhang sakit. Gumanap sa pelikula si Ronaldo Valdez bilang Kapitan Manuel. Panganay sa mga magkakapatid naman si Aga Muhlach

KL G. Adriano
May 252 min read


Legal Advice ni Ate Vice: Usapang Bentahan ng Lupa
Maraming Pilipino ang nangangarap na magkaroon ng sariling lupa. Ito ay bunga ng matagal na pagtatrabaho para sa iba at mana mula sa mga magulang o kamag-anak. Ngunit bilang isang abogado, nakikita ko na marami pa ring nagkakamali pagdating sa pagbili, pagmamay-ari, at pagpapamana ng lupa dahil sa kakulangan ng kaalaman sa tamang proseso sa batas. Mahalagang malaman natin ang pagkakaiba ng rehistradong lupa at hindi rehistradong lupa. Kapag sinabing rehistrado ang lupa, ibig

Atty. Imee Cruz
May 252 min read


Pagpapahalaga sa bihirang pagtatampisaw
Maligsing naglalaro si Marco Florendo, 9, habang itinutulak ng kaniyang balikat sa hangin ang kaniyang kaibigan na si Rodjhun Llaguno, 9, sa swimming pool ng Casa Nenita nitong ika-24 ng Mayo upang maagang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan at ng kaniyang ate. Aniya, minsan lang siya mabigyan ng ganitong pagkakataon kung kaya't sinusulit niya ang bawal oras upang makapagsaya kasama ang inimbitahang kaibigan.

Jeth Steven S. Recio
May 241 min read




Kabataang Mamamahayag, Sumabak sa Live Reporting
Nagsagawa ng kauna-unahang live reporting ang Salin-Lente noong Mayo 23, 2026 upang maghatid ng makatotohanang balita para sa mga Pulilenyo. Bahagi ito ng programang inilunsad ni Atty. Imee Cruz na ginanap sa VM AIC Headquarters sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan. Pinangunahan ni G. Hieri del Rosario ang pagsasanay at paggabay sa dalawang tagapaghatid ng balita na sina Jasmine A. Bactol at Eury Peralta. Nakibahagi rin si Bb. Karole Louise Gomez Adriano bilang live stream
Jasmine A. Bactol
May 231 min read


Ang Paglalakbay ni Mika Aereen
Sa bawat palo, pagharang, at pagtalon, nakikita ang dedikasyon, husay, at pagmamahal sa laro ni Mika Aereen Marcaliñas Reyes sa tutok ng larangan ng volleyball sa Pilipinas. Siya ay kilala bilang isa sa pinakamahusay na middle blocker sa kasaysayan ng Premier Volleyball League. Hindi lamang siya hinahangaan dahil sa kaniyang angking tangkad o taas na 6'0 at likas na galing, kundi dahil sa kaniyang angking lakas, pagiging matatag, masipag, at tunay na inspirasyon sa maraming k

KL G. Adriano
May 222 min read


Sandigan ng Munting Tahanan.
Sa kabila ng pagod at init ng araw, patuloy na nagsisikap si Alfredo Santos Sr., 65, upang maitaguyod at mabuo ang pinapangarap na tahanan para sa kaniyang pamilya sa Dampol 2nd A, Pulilan, Bulacan nitong ika-21 ng Mayo. Aniya, mahalagang araw-araw ang pagtatrabaho upang unti-unting maitatag ang bahay na kanilang pinag-ipunan at magiging tahanan ng kaniyang pamilya.

Jeth Steven S. Recio
May 211 min read


Rondina, Pons tumaob kontra Danish duo na Bisgaard at Høg
Lagapak ang volleyball duo na sina matapos patalsikin ng Danish tandem na sina Sofia Bisgaard at Cirkeline Høg sa iskor na 19-21, 17-21 sa Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge nitong hapon ng Miyerkules, ika-21 ng Mayo, na ginanap sa Nuvali Sand Courts, Laguna, Philippines. Sa simula pa lamang ng unang set, mabilis na nakapuntos sina Rondina at Pons gamit ang malalakas na palo na nagbigay sa kanila ng bentahe habang pilit hinahabol ng Danish players ang iskor, 5-

Jeth Steven S. Recio
May 212 min read


Muling Isinailalim sa Yellow Alert ang Visayas Grid
MANILA — Muling isinailalim sa yellow alert ang Visayas grid ngayong Huwebes, Mayo 21, 2026, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Sa abiso ng NGCP, epektibo ang yellow alert mula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi dahil sa manipis na reserbang suplay ng kuryente sa rehiyon. Ayon sa NGCP, may 11 power plants na hindi pa rin nakakapag-operate mula pa noong Mayo, habang may isa pang planta na hindi gumagana simula pa noong Marso. Dahil dito, bumaba
Jasmine A. Bactol
May 211 min read


Ginawang Produkto ang Atensyon
Sa panahon ngayon, hindi na katotohanan ang pangunahing basehan ng halaga—kundi atensyon. Sa social media, mas pinakikinggan ang may maraming followers kaysa sa may sapat na kaalaman. Mas mabilis na sumikat ang viral kaysa sa makatotohanan. Ito ang mukha ng digital validation culture: isang kulturang unti-unting ginagawang negosyo at kompetisyon ang pangangailangan ng tao na matanggap at mapansin. Halos lahat ngayon ay nakatuon sa validation. Hindi na simpleng pagpo-post ang
Jasmine A. Bactol
May 202 min read


BIR, itinaas sa 80k ang threshold sa write-off ng tax delinquent accounts
Naglabas ng bagong memorandum order ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang amyendahan ang polisiya kaugnay ng pangongolekta ng mga delinquent accounts at accounts receivable na may kaugnayan sa buwis. Sa inilabas na Revenue Memorandum Order No. 011-2026 na pirmado ni Commissioner Charlito Martin R. Mendoza noong Mayo 12, itinaas ng BIR mula ₱20,000 tungo ₱80,000 ang “cost to collect threshold” para sa Accounts Receivable/Delinquent Accounts (AR/DA). Ayon sa memorandum, la
Queen Icelle R. De Jesus
May 201 min read


Bawas Pasanin o Pagkawala ng Oportunidad?
Sa loob ng mahigit isang dekada, bahagi na ng sistema ng edukasyon sa bansa ang K-12 Program. Ngunit sa kasalukuyan, muling naging mainit na paksa ang usapin sa edukasyon matapos imungkahi ni Senador Robin Padilla ang pagtanggal sa Senior High School at ang pagbabalik sa dating sistema ng pag-aaral na binubuo lamang ng kindergarten, anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high school. Ayon sa kanya, ang layunin niyang bawasan ang pasanin ng mga magulang at mag-aaral. B

KL G. Adriano
May 202 min read
bottom of page



