top of page
All Articles
Search


Cybersecurity seminar para sa MSMEs inilipat sa Oktubre 9
PULILAN, Bulacan — Inilipat sa Oktubre 9, 2026, alas-1:00 ng hapon ang libreng seminar na “Cyber Ready for MSMEs: Protecting Your Business Online!” na orihinal na nakatakdang idaos sa Oktubre 2. Bukas ang seminar para sa mga MSME owners, entrepreneurs at business owners na nais madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagprotekta ng kanilang negosyo, online accounts at mahahalagang impormasyon laban sa iba't ibang cyber threats. Limitado sa 50 kalahok ang seminar. Maaaring makipag

Isha Reyes
Sep 301 min read


Salin-Lente members sasabak sa EDDIS Level Schools Press Conference
PULILAN, Bulacan — Nakatakdang lumahok ang ilang miyembro ng Salin-Lente: Pulilan Film Society sa EDDIS Level Schools Press Conference na gaganapin ngayong Sabado. Bilang suporta sa mga student journalist, nagpahiram ang mga trainer ng Salin-Lente ng mga camera na gagamitin ng mga kalahok sa kanilang mga kaukulang kompetisyon sa press conference. Ang paglahok sa kompetisyon ay magsisilbing pagkakataon para sa mga miyembro na mailapat ang kanilang mga natutunan mula sa regular

Isha Reyes
Sep 291 min read


ERC nagpatupad ng bagong electric bill format
Nagpatupad ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng bagong billing format para sa lahat ng distribution utilities (DUs) upang maipakita sa electric bill ang pagtanggal ng 12% value-added tax (VAT) sa allowable system loss charges na ipinapasa sa mga consumer. Sa ilalim ng bagong format, kailangang malinaw na maipakita sa billing statement ang pagbabago sa VAT treatment ng system loss charges upang makita ng mga consumer kung paano ito nakaaapekto sa kanilang kabuuang bayarin
Xander Tiongson
Sep 291 min read


Dog trader sa Baliwag hinatulang guilty sa paglabag sa Animal Welfare Act
BALIWAG, Bulacan — Hinatulang guilty ng korte ang isang dog trader mula sa Baliwag matapos mapatunayang lumabag sa Animal Welfare Act kaugnay ng ilegal na pangangalakal ng mga aso. Nadakip ang akusado sa isang operasyon noong 2024 matapos matuklasang bumibili at nanghuhuli umano ito ng mga aso na ibinebenta sa mga kainan sa Bulacan at Nueva Ecija, kung saan kinakatay ang mga hayop para sa kanilang karne. Kasunod ng paglilitis, pinatawan ang akusado ng pagkakulong at multang ₱
Nancy B. Cruz
Sep 291 min read


ASEAN delegates pinag-aralan ang nature-based flood solution sa Malolos
MALOLOS CITY, Bulacan — Bumisita sa Malolos ang mga delegado mula sa iba't ibang bansa para sa ASEAN Cross-Learning Event 2026, isang tatlong-araw na pagtitipon na nakatuon sa climate resilience at mga solusyong nakabatay sa kalikasan. Kabilang sa delegasyon si Roderick Wols, Ambassador ng Kingdom of the Netherlands sa Pilipinas. Ayon sa opisyal na website ng Netherlands, nagsimula siyang magsilbi bilang Dutch ambassador sa bansa ngayong 2026. Isa sa mga pangunahing pinag-ara

Isha Reyes
Sep 291 min read


LPA sa labas ng PAR, mataas ang tsansang maging tropical depression
Binabantayan ng DOST-PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA 09h) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa monitoring nitong alas-2:00 ng hapon ngayong Setyembre 29. Ayon sa PAGASA, mataas ang posibilidad na maging tropical depression ang naturang sama ng panahon sa loob ng susunod na 24 oras. Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather updates at advisories mula sa PAGASA.
Lex Aya-ay
Sep 291 min read


Jockers Foods Inc. naghahanap ng Electrical Staff
PULILAN, Bulacan — Nag-anunsyo ang PESO Pulilan ng job vacancy para sa Electrical Staff ng Jockers Foods Inc. Maaaring magsumite ng resume na naka-PDF format ang mga interesadong aplikante sa peso.dole.pulilan@gmail.com. Ilagay sa email subject ang posisyong ina-applyan at pangalan ng kumpanya, habang ang buong pangalan ng aplikante ang dapat gamiting filename ng resume. Maaari ring personal na magtungo sa PESO Pulilan, Old PUP Building, National Road, Poblacion, Pulilan, Bul
Xander Tiongson
Sep 291 min read


PESO Pulilan naglabas ng bagong job vacancies
PULILAN, Bulacan — Naglabas ang Public Employment Service Office (PESO) Pulilan ng panibagong listahan ng job opportunities mula sa ilang kumpanyang naghahanap ng mga aplikante. Kabilang sa mga kumpanyang may available na trabaho ang Elnet Workers OPC, Fisherfarms Inc., Aguila Auto Glass, Home Credit, Rombe Philippines Inc., Jockers Food, at Global Jet Cargo Philippines Inc. Maaaring isumite ng mga interesadong aplikante ang kanilang resume na naka-PDF format sa peso.dole.pul

Eury Peralta
Sep 291 min read


PDLs sa Pulilan Jail gumagawa ng mga produkto sa livelihood program
PULILAN, Bulacan — Patuloy na isinasagawa sa Pulilan Municipal Jail ang livelihood program ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagbibigay sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng pagkakataong matuto ng kasanayan at magkaroon ng pagkakakitaan habang nasa kustodiya. Kabilang sa mga produktong ginagawa ng mga PDL ang bayong bags, doormats, potholders, bayong pouches at wallets, gayundin ang sink at refrigerator curtains. Sa pamamagitan ng programa, nagagamit ng m

Eury Peralta
Sep 281 min read


Bagong pamasahe sa jeep, bus at TNVS epektibo ngayong Setyembre 28
MANILA, Philippines — Epektibo ngayong Setyembre 28, 2026 ang bagong fare rates para sa mga jeepney, bus, Transport Network Vehicle Services (TNVS) at airport taxi. Sa traditional jeepney, ₱14 na ang minimum fare para sa unang apat na kilometro at ₱2 ang dagdag sa bawat susunod na kilometro. Sa modern jeepney, ₱17 na ang minimum fare at ₱2.40 kada succeeding kilometer. Para sa Metro o city buses, tataas mula ₱13 patungong ₱15 ang minimum fare sa ordinary buses at mula ₱15 pat

Eury Peralta
Sep 281 min read


Stop-and-go traffic ipatutupad sa SCTEX Sapang Bato Underpass
PAMPANGA — Magpapatupad ng stop-and-go traffic scheme sa Sapang Bato Underpass ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) upang bigyang-daan ang pavement repair works. Ayon sa NLEX, magsisimula ang road works sa Setyembre 30, alas-9:00 ng gabi, at magtatapos ng Oktubre 1, alas-6:00 ng umaga. Pinapayuhan ang mga motorista na bumibiyahe sa naturang bahagi ng SCTEX, kabilang ang mga patungong Subic, Clark, Manila at Margot, na maglaan ng karagdagang oras sa biyahe at sumunod sa tr
Lex Aya-ay
Sep 281 min read


Libreng legal consultation bukas sa Pulilan ngayong Lunes at Martes
PULILAN, Bulacan — Magbibigay ng libreng legal consultation at payo ang Tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz para sa mga Pulilenyong nangangailangan ng tulong kaugnay ng mga usaping legal. Bukas ang tanggapan sa Lunes, Setyembre 28, mula 9:00 AM hanggang 1:00 PM, at sa Martes, Setyembre 29, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM. Maaaring lumapit sa tanggapan ang mga residente upang makapagkonsulta at makahingi ng paunang legal na payo sa loob ng itinakdang oras.

Eury Peralta
Sep 281 min read
bottom of page


