top of page
All Articles
Search


Clean-up drive isinagawa sa Barangay Tabon
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng clean-up drive sa Lucky 14, Barangay Tabon, Pulilan katuwang ang AIC Volunteers at BJMP Pulilan. Nakiisa ang mga volunteers at personnel sa paglilinis ng lugar bilang bahagi ng mga gawaing naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa komunidad. Nakatuon ang aktibidad sa pagtutulungan ng iba't ibang grupo upang makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran at mahikayat ang patuloy na pakikilahok ng komunidad sa mga programang pangkalinisan.

Isha Reyes
Sep 271 min read


Mas mataas na pamasahe sa jeep, bus epektibo sa Setyembre 28
Inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtaas ng pamasahe sa ilang public utility vehicles (PUVs), na magsisimulang ipatupad sa Lunes, Setyembre 28. Sa bagong fare rates, tataas mula ₱13 patungong ₱14 ang minimum fare sa traditional jeepney para sa unang apat na kilometro, habang magiging ₱2 ang dagdag sa bawat susunod na kilometro. Sa modern jeepney, tataas naman mula ₱15 patungong ₱17 ang minimum fare, at ₱2.40 ang dagdag kada succeeding kilometer. Para sa

Eury Peralta
Sep 271 min read


Pulilan Municipal Jail nagsagawa ng leadership turnover
PULILAN, Bulacan — Pormal na isinagawa ang Turnover Ceremony of Leadership sa Pulilan Municipal Jail bilang bahagi ng pagpapalit ng pamunuan ng pasilidad. Pinangunahan ang seremonya ni JSUPT Lord Rogelio T. Montero V, Provincial Jail Administrator ng BJMPPO–Bulacan, na nangasiwa sa pormal na paglilipat ng responsibilidad sa pamumuno. Ayon sa Pulilan Municipal Jail, layunin ng turnover na matiyak ang pagpapatuloy ng mga programa at operasyon ng pasilidad sa ilalim ng bagong pa
Xander Tiongson
Sep 261 min read


‘Queenie’ nananatiling Severe Tropical Storm; posibleng maging typhoon
Nananatiling Severe Tropical Storm ang Bagyong Queenie (Surigae) habang bumabagal ang pagkilos nito sa Philippine Sea, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA alas-5:00 ng umaga ngayong Setyembre 26. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 600 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang maximum sustained winds na 95 kilometers per hour (kph) at pagbugsong umaabot sa 115 kph. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kph. Sa kasalukuyan, walang Tropical
Lex Aya-ay
Sep 261 min read


PUP Pulilan students sumailalim sa graphic design seminar
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ang Office of the Vice Mayor, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, ng graphic design seminar para sa mga third-year Entrepreneurship students ng Polytechnic University of the Philippines–Pulilan Campus ngayong Setyembre 25. Ang Entrepreneurship ay kabilang sa mga programang inaalok sa PUP Pulilan. Pinamagatang “Designs That Sell: Basic Graphic Design for Entrepreneurs,” isinagawa ang seminar sa computer laboratory ng unibersidad upang mabi

Eury Peralta
Sep 261 min read


Youth wellness program isinagawa para sa mga kabataan ng Dampol 1st
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ang pagtatapos ng Thrive: Youth Wellness & Choices sa Rufino A. Cruz Memorial High School ngayong Setyembre 27, na nilahukan ng mga kabataan mula sa Barangay Dampol 1st. Isinagawa ang programa sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pangunguna nina Mayor Rolando Peralta Jr. at Vice Mayor Atty. Imee Cruz, na nagbigay rin ng mensahe para sa mga kabataang kalahok. Pinangasiwaan ang aktibidad ng Municipal Population Office sa pamumuno ni Donna S
Lex Aya-ay
Sep 261 min read


Mahabang pila naitala sa ilang bahagi ng NLEX
Naitala ang hanggang 1.8 kilometrong traffic buildup sa Mindanao Exit dahil sa dami ng mga sasakyan, batay sa traffic update alas-5:10 ng hapon ngayong Setyembre 25. Sa Balintawak Toll Plaza, umabot sa humigit-kumulang 150 metro ang pila sa regular RFID lanes at 200 metro naman sa RFID installation lanes. Nasa 200 metro rin ang pila sa Mindanao Toll Plaza. Sa Bocaue Toll Plaza, nasa 100 metro ang vehicle queue sa right-side portion. Samantala, magaan ang daloy ng trapiko sa S
Nancy B. Cruz
Sep 251 min read


Marcos nilagdaan ang batas na nagpapaliban sa BSKE sa 2028
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) hanggang 2028, ayon sa kumpirmasyon ng Malacañang ngayong Setyembre 25. Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, itinakda ang susunod na regular BSKE sa Nobyembre 13, 2028. Pinalawig din ng bagong batas sa limang taon ang termino ng mga halal na barangay at Sangguniang Kabataan officials. Dahil sa bagong batas, hindi na matutuloy ang BSKE na dating nakata

Eury Peralta
Sep 251 min read


BSKE postponement bill ipinadala na sa Malacañang
Naipadala na sa Malacañang ang panukalang batas na naglalayong ilipat sa Nobyembre 2028 ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at gawing limang taon ang termino ng mga barangay at SK officials, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian. Nauna nang pinagtibay ng Senado ang panukala at in-adopt ng Kamara ang Senate version. Sinabi ni Gatchalian na wala pa siyang impormasyon kung lalagdaan o ibe-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala. Nauna nang s

Eury Peralta
Sep 241 min read


‘Queenie’ binabantayan na sa loob ng PAR
Binabantayan na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm “Queenie,” na dating mino-monitor bilang LPA 09g, ayon sa monitoring update alas-2:00 ng hapon ngayong Setyembre 24. Pumasok na sa PAR ang weather disturbance at kasalukuyang nasa antas ng Tropical Storm. Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga susunod na bulletin at opisyal na weather updates mula sa DOST-PAGASA para sa magiging galaw at posibleng epekto ng bagyo.
Lex Aya-ay
Sep 241 min read


Pulilan PNP nagsagawa ng school safety information drive
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ang Pulilan Municipal Police Station ng school visitation at information drive sa Bajet-Castillo National High School bilang bahagi ng kampanya para sa kaligtasan at kamalayan ng mga mag-aaral. Tinalakay sa aktibidad ang anti-bullying, Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313, bomb threat awareness, at responsableng pag-uugali upang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa mga usaping may kaugnayan sa kanilang seguridad. Pinangunahan ang aktibi
Xander Tiongson
Sep 241 min read


Libreng cervical Pap smear available sa Pulilan RHU I
PULILAN, Bulacan — Nag-aalok ang Municipal Health Office (MHO) ng Pulilan ng libreng cervical Pap smear para sa mga kababaihan bilang bahagi ng programa para sa pangangalaga sa kalusugan at maagang pagtuklas ng cervical cancer. Isinasagawa ang libreng screening tuwing Martes at Huwebes, mula 2:00 p.m. hanggang 5:00 p.m., sa Rural Health Unit I (RHU I). Ang Pap smear ay isang screening procedure na ginagamit upang matukoy ang abnormal na pagbabago sa mga selula ng cervix na ma

Isha Reyes
Sep 241 min read
bottom of page


