top of page
All Articles
Search


Pagkakakilanlan sa kumuha umano ng gamit sa motorsiklo sa Angat, inaalam
ANGAT, Bulacan — Humihingi ng tulong sa publiko upang matukoy ang pagkakakilanlan ng isang taong nakunan umano ng video na kumukuha ng gamit mula sa compartment ng isang nakaparadang motorsiklo sa tapat ng Bagong Munisipyo ng Angat. Naganap ang insidente bandang alas-7:00 ng gabi, kung saan pinaniniwalaang may kinuha ang naturang indibidwal mula sa compartment ng motorsiklo. Hinihikayat ang sinumang may impormasyon na maaaring makatulong sa pagkakakilanlan ng taong nasa video
Nancy B. Cruz
Sep 111 min read


Dalawang LPA namataan sa labas ng PAR; isa posibleng maging tropical depression
Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes, Setyembre 11, ayon sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw. Ang LPA 09b ay may medium chance na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Nananatili naman itong nasa labas ng PAR. Samantala, isa pang sama ng panahon na tinukoy bilang LPA 09c ang mino-monitor din sa labas ng PAR. Gayunman, unlikely o mababa ang posibilidad nitong maging tropi
Lex Aya-ay
Sep 111 min read


28-anyos arestado sa buy-bust sa Pulilan; ₱50K halaga ng hinihinalang droga nasamsam
PULILAN, Bulacan — Arestado ang isang 28-anyos na lalaki sa buy-bust operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pulilan Municipal Police Station noong gabi ng Setyembre 9 sa isang barangay sa Pulilan. Ayon sa Pulilan PNP, nakumpiska mula sa suspek na kinilala sa alyas na “Jojo” ang humigit-kumulang ₱50,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga. Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165,
Nancy B. Cruz
Sep 111 min read


PUP nagbukas ng bagong campus sa Pandi, Bulacan
Photo courtesy of the Office of Mayor Enrico Roque PANDI, Bulacan — Nagbukas ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) ng campus nito sa Barangay Mapulang Lupa, Pandi, na nagbibigay ng bagong access sa state university education para sa mga residente ng bayan. Pormal na pinasinayaan ang PUP Pandi Campus noong Setyembre 7. Ayon kay Pandi Mayor Enrico Roque, ito ang unang college institution na direktang nagsisilbi sa mga residente ng munisipalidad. Nagsimula na ang r

Eury Peralta
Sep 101 min read


Kamara nagpatupad ng work-from-home simula alas-12 ng tanghali
QUEZON CITY — Nagpatupad ang House of Representatives ng work-from-home (WFH) arrangement para sa mga opisyal at empleyado nito simula alas-12:00 ng tanghali ngayong Setyembre 10. Batay sa advisory na inilabas ni House Secretary General Atty. Cheloy E. Velicaria-Garafil, ipinatupad ang WFH arrangement alinsunod sa Memorandum Circular No. 135 na inilabas ng Office of the President. Hindi saklaw ng WFH arrangement ang mga opisyal at empleyadong kinakailangang pisikal na pumasok

Eury Peralta
Sep 101 min read


Bagong LPA namataan sa labas ng PAR; posibleng maging tropical depression
Binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA 09b) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Huwebes, Setyembre 10. Batay sa monitoring alas-2:00 ng hapon, may medium chance ang LPA na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Sa ngayon, nananatili sa labas ng PAR ang naturang sama ng panahon. Pinapayuhan ang publiko na patuloy na bantayan ang mga susunod na weather update mula sa DOST-PAGASA para sa magiging development ng LPA.
Lex Aya-ay
Sep 101 min read


Mga kawani ng Pulilan sumailalim sa Events Management Training
PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ang Public Affairs and Information Office (PAIO) ng Events Management Training ngayong Setyembre 10 para sa mga kawani mula sa iba't ibang departamento ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan. Nakatuon ang pagsasanay sa pagpapalawak ng kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa event management, risk management at professionalism bilang paghahanda sa mas maayos na pagpapatupad ng mga programa at aktibidad ng kani-kanilang tanggapan. Tinalakay din sa training

Eury Peralta
Sep 101 min read


Pulilan water system project sumailalim sa national validation para sa SUBAYBAYANI Awards
Isinasagawa ngayong Huwebes, Setyembre 10, ang National Validation para sa 2026 SUBAYBAYANI Awards kaugnay ng Rehabilitation/Improvement ng Level III Water System and Elevated Tank ng bayan ng Pulilan. Bahagi ang national validation ng pagsusuri sa naturang proyekto bilang kalahok sa 2026 SUBAYBAYANI Awards. Sinusuri sa validation ang implementasyon at kasalukuyang kalagayan ng water system project bilang bahagi ng proseso ng pagkilala sa mga programang pang-imprastraktura at
Nancy B. Cruz
Sep 101 min read


Salin-Lente students sumabak sa livestream ng PUP Pulilan graduation
PULILAN, Bulacan — Nakiisa ang mga miyembro ng Salin-Lente: Pulilan Film Society sa FPS Media PH sa pagsasagawa ng livestream ng 18th Commencement Exercises ng Polytechnic University of the Philippines–Pulilan Campus (PUP Pulilan) noong Setyembre 9 sa Villa Lorenzo Resort Center, sa suporta ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz. Pinangunahan ang Salin-Lente production team ng pangulo nitong si Ishabel “Isha” Bantilo ng Sta. Peregrina High School, kasama sina James Timothy de Leon, Ka

Isha Reyes
Sep 101 min read


Bagong SPTA, HRPTA officers ng Bajet-Castillo High School nanumpa
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ang Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na SPTA at HRPTA officers ng Bajet-Castillo High School, bilang pormal na pagsisimula ng kanilang panunungkulan sa paaralan. Nakiisa sa seremonya ang Tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, kasama ang mga opisyal ng paaralan, mga guro, magulang at iba pang bahagi ng school community. Inaasahang magsisilbing katuwang ng paaralan ang mga bagong opisyal sa mga programa at gawaing naglalayong suportahan an
Xander Tiongson
Sep 101 min read


Sen. Alan, Pia Cayetano lumabas ng bansa; walang hold departure order — airport authorities
Kumpirmadong lumabas ng bansa sina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano matapos silang mamataan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 9. Batay sa ulat, namataan si Sen. Alan Cayetano habang papasok sa Gate 109 ng terminal. Makikita umano sa flight information monitor na nakatakda ang Singapore Airlines Flight SQ921, na posibleng sinakyan ng senador. Bago pumasok sa gate, nagpaunlak pa umano si Cayetano na magpaku
Nancy B. Cruz
Sep 101 min read


Wellness Break ng mga guro itinakda sa Setyembre 14–15
Isasagawa ang Wellness Break para sa mga guro sa Setyembre 14 at 15, 2026, alinsunod sa DepEd Order No. 009, s. 2026. Sa dalawang araw na Wellness Break, walang dapat ipagawang meeting, training, Learning Action Cell (LAC) session, school activity, reporting, submission, asynchronous deliverable, o iba pang opisyal na gawain sa mga guro. Layunin ng itinakdang panahon na mabigyan ang mga guro ng pagkakataong makapagpahinga nang walang kinakailangang school-related tasks o deli

Eury Peralta
Sep 101 min read
bottom of page


