top of page
All Articles
Search


Alternative work, learning setup ipatutupad sa Bulacan ngayong araw dahil sa Habagat
Ipatutupad ang alternative work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes sa mga paaralan sa Bulacan ngayong Huwebes, Setyembre 10, dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat. Alinsunod sa Memorandum Circular No. 135, saklaw din ng kautusan ang National Capital Region, La Union, Pangasinan, Benguet, Bataan, Pampanga, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro. Maliban ku

Eury Peralta
Sep 101 min read


Habagat magdadala ng 50–100 mm na ulan sa Bulacan ngayong Huwebes
Posibleng makaranas ang Bulacan ng 50 hanggang 100 millimeters (mm) na ulan ngayong Huwebes, Setyembre 10, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat. Batay sa Weather Advisory No. 74 ng PAGASA na inilabas alas-5:00 ng umaga, kabilang din sa may 50–100 mm rainfall outlook ang Pangasinan, La Union, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro
Lex Aya-ay
Sep 101 min read


Bulacan Gov., Vice Gov; nanguna sa pamamahagi ng relief goods sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Personal na bumisita sa Pulilan sina Bulacan Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alex C. Castro upang pangunahan ang pamamahagi ng relief goods mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa mga residenteng nangangailangan ng tulong. Bahagi ang pamamahagi ng patuloy na relief assistance ng pamahalaang panlalawigan sa mga komunidad sa Bulacan. Nakiisa rin sa paghahanda at distribusyon ang mga frontliners, barangay officials, kawani, volunteers at iba p

Eury Peralta
Sep 101 min read


PhilHealth ID, MDR maaari nang kunin sa RHU I ng Pulilan
PULILAN, Bulacan — Maaari nang kunin ng mga nakalistang residente ang kanilang PhilHealth ID at Member Data Record (MDR) sa RHU I–Municipal Health Office ng Pulilan. Ayon sa inilabas na abiso, kinakailangang nakarehistro na sa eGovPH App ang mga kukuha ng kanilang PhilHealth ID o MDR bago magtungo sa RHU I. Bahagi ang aktibong eGovPH App registration ng proseso para sa mga transaksyon sa RHU I Registered Facility. Pinapayuhan ang mga nakabilang sa inilabas na listahan na tiya
Nancy B. Cruz
Sep 91 min read


Bulacan posibleng makaranas ng hanggang 100 mm na ulan sa Biyernes
BULACAN — Posibleng makaranas ang Bulacan ng 50 hanggang 100 millimeters (mm) na pag-ulan sa Biyernes, Setyembre 11, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat. Batay sa Weather Advisory No. 70 ng PAGASA na inilabas alas-5:00 ng umaga ngayong Setyembre 9, kabilang ang Bulacan sa malawak na bahagi ng Luzon na maaaring makatanggap ng 50–100 mm na ulan sa Biyernes. Mas mataas na 100–200 mm naman ang inaasahan sa Occidental Mindoro. Ngayong Miyerkules, 50–100 mm na
Lex Aya-ay
Sep 91 min read


Karole Adriano itinanghal na Ms. Intramurals 2026 ng GETSPNHS
Itinanghal na Ms. Intramurals 2026 si Karole Louise Adriano ng Gloria Esguerra T.S. Pereña National High School (GETSPNHS), matapos manguna sa kompetisyon at mag-uwi rin ng ilang special awards. Bukod sa pangunahing titulo, nakamit ni Adriano ang People’s Choice Award, Best in Advocacy, at Best in Sports Attire, dahilan upang maging isa siya sa mga pinakamaraming parangal na natanggap sa kompetisyon. Si Adriano ay isa sa mga pioneer members ng Salin-Lente: Pulilan Film Societ

Isha Reyes
Sep 91 min read


Senado inaprubahan ang panukalang ilipat sa 2028 ang BSKE
Inaprubahan ng Senado sa plenary session ang panukalang amyendahan ang iskedyul ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Nobyembre 2026 patungong Nobyembre 2028. Ayon kay Sen. Chiz Escudero, sa ilalim ng panukala ay idaraos ang susunod na BSKE sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, at susundan ito kada limang taon. Kaugnay ang pagbabago sa panukalang batas na nagtatakda rin sa termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan. Nakatakdang ipagpatuloy

Eury Peralta
Sep 91 min read


Libreng VR experience binuksan para sa mga estudyante, guro ng GETS-Pereña NHS
PULILAN, Bulacan — Libreng Virtual Reality (VR) Booth Experience ang inilaan para sa mga estudyante at guro ng GETS-Pereña National High School, na bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon. Bahagi ang aktibidad ng inisyatiba ng Salin-Lente: Pulilan Film Society upang mabigyan ng pagkakataon ang school community na personal na maranasan ang immersive technology gamit ang VR. Upang makalahok, kinakailangang i-like at i-follow ng participants ang Facebook pages

Isha Reyes
Sep 91 min read


DepEd pinag-aaralan ang 640 oras na OJT para sa senior high school
Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang pagpapahaba sa on-the-job training (OJT) ng senior high school students hanggang 640 oras, mula sa kasalukuyang 80 hanggang 160 oras. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, bahagi ito ng mga hakbang upang mas maihanda ang senior high school graduates sa aktuwal na trabaho kasunod ng feedback mula sa ilang employers na hindi pa sapat ang workplace readiness ng ilang nagtapos. Sa ilalim ng pinag-aaralang pagbabago, mas ma

Eury Peralta
Sep 91 min read


Our Lady of Mercy General Hospital ipinagdiwang ang ika-26 anibersaryo
PULILAN, Bulacan — Ipinagdiwang ng Our Lady of Mercy General Hospital Inc. (OLMGH) sa Barangay Longos ang ika-26 nitong founding anniversary sa temang “Continuing the Mission of Mercy, Serving with Excellence.” Nakiisa sa pagdiriwang si Vice Mayor Atty. Imee Cruz, kasama ang mga doktor, nurses, medical staff, employees at iba pang bahagi ng OLMGH community. Binigyang-pagkilala sa okasyon ang patuloy na serbisyo ng mga healthcare workers at personnel ng ospital sa pangangalaga
Xander Tiongson
Sep 91 min read


Dengue cases sa bansa tumaas ng 9% — DOH
Umabot sa 15,763 dengue cases ang naitala sa buong bansa mula Agosto 2 hanggang 15, siyam na porsiyentong mas mataas kumpara sa nakaraang dalawang linggong monitoring period, ayon sa Department of Health (DOH). Batay sa epidemiological report na may petsang Agosto 29, nakapagtala ng 14,409 kaso mula Hulyo 19 hanggang Agosto 1 bago tumaas ang bilang sa sumunod na dalawang linggo. Sa kabuuan, 128,634 dengue cases na ang naitala sa Pilipinas ngayong 2026. Gayunman, sinabi ng DOH
Xander Tiongson
Sep 81 min read


Social media accounts para sa below 13, target ipagbawal sa panukala
Isinusulong sa House of Representatives ang pagbabawal sa mga batang wala pang 13 taong gulang na magkaroon o magpanatili ng social media accounts sa ilalim ng pinagsamang panukalang Children’s Social Media and Online Gaming Safety Act. Sa ilalim ng panukala, responsibilidad ng mga social media platform na pigilan ang mga batang below 13 sa paggawa ng account. Kapag natukoy ang isang account na pag-aari ng batang wala pang 13, kinakailangang i-disable ito at gumawa ng hakbang

Eury Peralta
Sep 82 min read
bottom of page


