top of page
All Articles
Search


Ikalawang araw ng "Ligtas at Handang PWD" Training, dinaluhan ng mga PWD mula sa siyam na barangay
PULILAN, Bulacan — Ipinagpatuloy ang ikalawang araw ng "Ligtas at Handang PWD" Training bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week, na dinaluhan ng mga Persons with Disabilities (PWDs) mula sa iba't ibang barangay sa Pulilan. Kabilang sa mga lumahok ang mga PWD mula sa Paltao, Peñabatan, Poblacion, Sta. Peregrina, Sto. Cristo, Taal, Tabon, Tibag, at Tinejero, na sumailalim sa mga pagsasanay hinggil sa disaster preparedness at emergency response. Layu

Eury Peralta
Jul 241 min read


The First Frost: Pag-ibig na Sinubok ng Panahon
Ang pag-ibig ay maihahalintulad sa isang bulaklak. Bago ito mamukadkad, kailangan muna nitong dumaan sa tiyaga, paghihintay, at pag-aaruga. Ganito inilalarawan ng Chinese romance drama na The First Frost ang tunay na kahulugan ng pagmamahal: ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa bilis ng pagdating nito, kundi sa kakayahang maghintay, maghilom, at muling magmahal sa tamang panahon. Ang The First Frost ay isang Chinese drama series na adaptasyon ng nobela ni Zhu Yi at spin-off ng

Jeth Steven S. Recio
Jul 242 min read


Simpleng SONA 2026; Paghahanda sa SONA
Patuloy na naghahanda ang Pamahalaan para sa paparating na panglimang (5) State of the Nation Address (SONA) ni His Excellency Pangulong. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa darating na Hulyo 27, 2026 sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nasa itinatayang 1,800+ ang dadalo sa Plenary Hall, kasama na rito ang mga Senado, Kamara, miyembro ng diplomatic corps at iba pa. Imbes na engrande at pormal na damit ang susuotin sa darating
Damaris Desiree Bernardo
Jul 241 min read


Legal Advice ni Ate Vice: Pagtigil sa Suporta sa Anak; Hindi Lang Isyu ng Pera, Maaari Ring Maging Economic Abuse
Isa sa mga pinakamadalas kong matanggap na tanong mula sa mga hiwalay o hindi kasal na magulang ay ito: "Attorney, tumigil na sa pagbibigay ng suporta ang ama ng anak ko. Maaari ko ba siyang kasuhan?" Ang sagot ay oo, ngunit mahalagang maunawaan na hindi iisa ang maaaring legal na remedyo sa ganitong sitwasyon. Sa ilalim ng Family Code ng Pilipinas, may obligasyon ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak. Ang suporta ay hindi kusang-loob na tulong lamang. Isa iton

Atty. Imee Cruz
Jul 242 min read


Laban sa Diskriminasyon
Batas at hustisya. Dalawang salita lamang ito, ngunit may malalim na kahulugan para sa taumbayan. Bakit nga ba tila ipinagkakait ng mga nasa kapangyarihan ang pantay na panghuhusga at pagtrato sa mga nasa ilalim nila? Ito ang tanong na bumabagabag sa ating isipan: Kailan nga ba matatapos ang ganitong uri ng diskriminasyon sa Pilipinas? Wala na bang karapatan ang karaniwang Pilipino na ipaglaban ang sarili? Nakasaad sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo III, Seksyon 1: "Walang sin
Ashly Jane Cuenca
Jul 242 min read


Basketball ang Susi ni Bobet sa Kanyang Pangarap at Tagumpay
Si Rene Clert "Bobet" Baterbonia, ipinanganak noong Mayo 8, 2007 sa Talacogon, Agusan del Sur, ay mula sa simpleng pamilya kung saan nagtitinda ng isda ang kanyang mga magulang sa palengke para sa pitong magkakapatid. Pangarap niyang maahon sila sa hirap at ipagpatuloy ang di-natapos na pangarap ng amang dating basketbolista. Nagsimula siyang maglaro sa edad na labinlima sa isang simpleng court na lubak-lubak at gawa sa kahoy. Nag-aral siya ng hayskul sa Talacogon National Hi
Jessa Rose Ramos
Jul 231 min read


ILANG BAHAGI NG LUZON, ITINAAS SA TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 1
Itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Luzon alas-7 ng gabi matapos mamataan ang Tropical Depression Kiyapo na 555 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan. Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 ang: • Batanes • Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands • Isabela • Apayao • Abra • Kalinga • Mountain Province • Ifugao • Ilocos Norte • Ilocos Sur • Hilagang bahagi ng Aurora: Dilasag, Casiguran, at Dinalungan • Hilagang bahagi ng Nu
Gwen Raizel Llorag
Jul 231 min read


Water level ng Angat Dam bumaba sa kritikal na antas; ilang bahagi ng reservoir natuyo
BULACAN — Umabot sa kritikal na antas ang water level ng Angat Dam matapos itong bumaba sa mahigit 152 metro above sea level, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ayon sa PAGASA, mas mababa na ang kasalukuyang lebel ng tubig kaysa sa minimum operating level na 156 metro at malayo na rin sa normal operating level na 180 metro. Dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig, lumitaw na ang malalawak na bahagi ng putik sa r

Eury Peralta
Jul 231 min read


Libreng school supplies at bucket hats, ipinamahagi sa mga Child Development Centers sa limang barangay
PULILAN, Bulacan — Nagpatuloy ang pagpapatupad ng Annual Free Basic School Supplies Distribution Program sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 12-08, s. 2025, na isinulong ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan bilang bahagi ng suporta sa edukasyon ng mga batang Pulilenyo. Sa pakikipagtulungan ni Mayor RJ Peralta, at Vice Mayor Atty. Imee Cruz, naipamahagi ang mga school supplies at bucket hats sa mga mag-aaral ng Child Development Centers sa mga barangay ng Dampol 1st, Dampol

Eury Peralta
Jul 231 min read


Binahang Pag-asa
Isa sa mga mabibigat na problemang kinakaharap ng maraming Pilipino ay ang malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng malalaking pagbaha. Isang tanong ang madalas marinig at hinahanapan ng kasagutan: “Nasaan na ang mga pondong inilaan para sa flood control?” Bilyong-bilyong halaga at maraming panahon ang inialay para sa proyektong dapat ay magsisilbing proteksyon sa karamihan. Paano kung isa na rin sa mga problemang ating kinakaharap ay ang mga proyekto at pangakong napapako? Kar
Shelvy Atanacio
Jul 231 min read


Buwanang Pagpupulong ng PACR Bulacan Chapter, ginanap sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Ginanap ang Monthly Meeting ng Philippine Association of Civil Registrars, Inc. (PACR) Bulacan Chapter sa ACI Garden Resort and Pavilion, na pinangunahan ng Municipal Civil Registry Office (MCRO) ng Pulilan. Dumalo sa pagpupulong sina Mayor RJ Peralta, Vice Mayor Atty. Imee Cruz, mga kawani ng Municipal Civil Registry Office ng Pulilan, at mga opisyal at kinatawan ng iba't ibang lokal na tanggapan ng civil registry na kabilang sa PACR Bulacan Chapter. Nagin

Eury Peralta
Jul 231 min read


Vice Mayors ng Bulacan, nagtipon para sa ika-9 na regular na pagpupulong ng VMLP
MEYCAUAYAN CITY, Bulacan — Ginanap ngayong araw ang Ika-9 na Regular Monthly Meeting ng Vice Mayors' League of the Philippines (VMLP) – Bulacan Chapter, na dinaluhan ng mga vice mayor mula sa iba't ibang bayan at lungsod ng lalawigan. Kabilang sa mga dumalo si Vice Mayor Atty. Imee Cruz ng Pulilan, na nakiisa sa talakayan kasama ang iba pang mga lokal na opisyal hinggil sa mga usaping may kaugnayan sa pamamahala at pagpapaunlad ng serbisyo publiko. Nagsilbing host ng pagpupul
Lex Aya-ay
Jul 231 min read
bottom of page


