top of page
All Articles
Search


"Ligtas at Handang PWD" Training, isinagawa bilang bahagi ng National Disability Rights Week
PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong araw ang "Ligtas at Handang PWD" Training bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week, na may temang "Rights First, Legislation Forward – Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development." Pinangunahan ang programa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDR

Isha Reyes
Jul 231 min read


Flood Control o Flood of Questions?
Tuwing may bagyo, tila ba paulit-ulit na lamang ang eksena sa Pilipinas. Nalulubog ang mga kalsada, inaanod ang mga tahanan, at nalalagay sa panganib ang buhay ng libu-libong Pilipino. Ngunit ang mas nakalulunod kaysa sa baha ay ang tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na sagot: Nasaan ang bilyun-bilyong pisong inilaan para sa flood control? Hindi maliit na halaga ang ginagastos ng taumbayan para sa mga proyektong ito. Taon-taon ay may mga inilalaang pondo para s
Jayzhel Asprin
Jul 222 min read


Mga Pahayag ng Pagbabanta, Tinalakay sa Impeachment Hearing ni Sara Duterte sa Senado
Video Courtesy: House of Representatives Youtube Channel MAYNILA — Sa ikawalong araw ng impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte, nakarinig ang mga senador ng mga alegasyon na hindi lamang tungkol sa mga pagbabanta kundi pati na rin sa isang umano'y planong pagpatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez. Sinabi ni Atty. Melvin Matibag, ang usapin ay hindi lamang simpleng pagbabanta kundi isang se

Isha Reyes
Jul 221 min read


PHIVOLCS: Pangalawang Minor Phreatomagmatic Eruption Naitala sa Bulkang Taal
Itinala na “second minor phreatomagmatic eruption” ang nangyari sa Bulkang Taal kaninang 8:09 pm hanggang 8:13 pm. Ayon sa PHIVOLCS, ang bulkan ay naglabas ng mga bugso ng abo at usok na puno ng singaw na umabot sa 2,800 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan. Ang pangyayari ay umabot sa apat na minuto batay sa seismic, infrasound, at visual observation gamit ang thermal camera. Ang mga kuha ng video ng thermal camera ay mula sa observation station ng thermal camera sa Daa
Bhryx Mercado Garcia
Jul 221 min read


Suarez nangibabaw sa 1st round knock out kay Avila
Ginimbal ni Charly Suarez ang buong mundo ng boxing, pagkatapos niyang patumbahin si Manuel Avila sa unang round pa lang ng bakbakan. Tinapos ni Suarez ang naging sagupaan nila ni Avila sa isang knockout game sa huling bahagi ng unang round. Sa unang mga minuto pa lang ng bakbakan, matindi agad ang naging palitan ng mga suntok nina Suarez at Avila, bigay-kung-bigay ang dalawa para sa minimithing panalo. Sa pagdako natin sa gitnang bahagi, lalong tumindi ang naging bakba
Mark Jansen DR. Olinares
Jul 211 min read


2 menor de edad, pinagsasaksak ng sariling tiyuhin
Pinagsasaksak ng tiyuhin ang dalawang menor de edad na kaniyang mga pamangkin matapos mag-amok sa Manjuyod, Negros Oriental. Lumabas sa imbestigasyon noong Martes na nanananghalian noon ang nasawing biktima, nakatatandang kapatid niya, at apat pang bata sa bahay ng kanilang lolo nang mag-amok ang suspek. Ayon sa imbestigasyon, ang dalawang menor de edad ay 11-anyos at 16-anyos. Ang kaniyang 11-anyos na pamangkin ay nasawi matapos niya itong saksakin, habang ang 16-anyos naman
Lhanz Moises T. Samson
Jul 211 min read


UPDATE: Sunog sa likod ng McDonald's Pulilan, naapula sa loob ng mahigit 20 minuto
PULILAN, Bulacan — Naapula na ang sunog na naganap sa isang bahay sa Sta. Peregrina, sa likod ng McDonald's Pulilan, matapos ang agarang pagtugon ng mga awtoridad nitong umaga. Ayon sa mga responder, natanggap ang tawag ukol sa insidente dakong 10:06 a.m. Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Pulilan, katuwang ang Pulilan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Rescue Team, upang magsagawa ng firefighting operations at mapigilan a

Isha Reyes
Jul 211 min read


LPA sa labas ng PAR, nananatiling may katamtamang tsansang maging tropical depression
Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA 07d) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-2:00 ng madaling araw ngayong Hulyo 21. Ayon sa state weather bureau, nananatiling may katamtamang posibilidad (medium chance) ang LPA na lumakas at maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Sa kasalukuyan, wala pang direktang epekto sa bansa ang nasabing sama ng panahon dahil nananatili ito

Isha Reyes
Jul 211 min read


Ika-7 Araw ng Impeachment Trial ni VP Sara Duterte, Nagpatuloy sa Senado
Nagpapatuloy ngayong Lunes, Hulyo 20, 2026, ang ikapitong araw ng impeachment trial ni VP. Sara Duterte sa Senado, kung saan tinalakay ng impeachment court ang mga mosyon at ebidensyang inihain ng magkabilang panig. Isa sa mga pangunahing isyung pinag-uusapan ay ang kahilingan ng prosecution na makakuha ng subpoena para sa ilang financial records ni Sara Duterte at ng kanyang asawa bilang bahagi ng kanilang presentasyon ng ebidensya. Samantala, iginiit naman ng depensa na wal
Henrix Labajo
Jul 201 min read


Bagong gusali ng Pulilan Municipal Police Station, pinasinayaan
PULILAN, Bulacan — Pormal na pinasinayaan at binasbasan ang Newly Constructed Standard Building ng Pulilan Municipal Police Station sa isang seremonyang dinaluhan ng mga opisyal ng Philippine National Police, lokal na pamahalaan, at iba pang panauhin. Nanguna sa mga dumalo si PBGen. Jess B. Mendez, Regional Director ng Police Regional Office 3, kasama sina PCOL Jay B. Baybayan, PLTCOL Eric C. Cister, Vice Mayor Atty. Imee Cruz, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Punong Ba

Isha Reyes
Jul 201 min read


Legal Advice ni Ate Vice: Maaari Bang Pigilan ng Ospital ang Paglabas ng Pasyente Dahil Hindi Pa Bayad ang Hospital Bill?
Isa sa mga pinakamasakit na sitwasyong maaaring maranasan ng isang pamilya ay ang pagkakaospital ng isang mahal sa buhay. Bukod sa pag-aalala sa kanyang kalagayan, madalas ay nadaragdagan pa ito ng problema sa napakalaking gastusing medikal. Kaya hindi na bago sa akin ang tanong na ito: "Attorney, ayaw pong i-discharge ng ospital ang aking ama dahil hindi pa namin kayang bayaran ang hospital bill. Legal po ba iyon?" Ang sagot ay may batayan sa batas. Sa ilalim ng Republic Act

Atty. Imee Cruz
Jul 202 min read


Low Pressure Area sa labas ng PAR, may katamtamang tsansang maging tropical depression
Isang Low Pressure Area (LPA 07d) ang patuloy na mino-monitor ng PAGASA habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng gabi ngayong Hulyo 20. Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay may katamtamang posibilidad (medium chance) na lumakas at maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Bagama't wala pa sa loob ng PAR ang sama ng panahon, patuloy na sinusubaybayan ng state weather bureau ang galaw at

Isha Reyes
Jul 201 min read
bottom of page


