top of page
All Articles
Search


Postal ID registration isinasagawa ngayong araw sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Maaaring magparehistro para sa Postal ID ngayong araw, Setyembre 23, 2026, sa Robinsons Townville Pulilan. Bukas ang registration mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. para sa mga nais mag-apply ng Postal ID. Pinapayuhan ang mga aplikante na ihanda ang kinakailangang impormasyon at mga dokumento para sa kanilang aplikasyon bago magtungo sa registration site.

Eury Peralta
Sep 231 min read


Lane closures ipatutupad sa Balintawak, Bocaue sections ng NLEX
BULACAN — Magkakaroon ng pansamantalang lane closures sa ilang bahagi ng NLEX Northbound at Southbound dahil sa maintenance at improvement works. Kabilang sa mga apektadong bahagi ang Balintawak Toll Plaza Area, mula KM 12+500 hanggang KM 13+500, at Bocaue Interchange Area, mula KM 26+500 hanggang KM 28+500. Isasara ang Lane 1 o leftmost lane simula 10:00 p.m. ng Setyembre 24 hanggang 4:00 a.m. ng Setyembre 25 habang isinasagawa ang mga nakatakdang trabaho. Pinapayuhan ang mg
Xander Tiongson
Sep 231 min read


Goodwill Fee payments ng qualified Pulilan market vendors pansamantalang sinuspinde
PULILAN, Bulacan — Pinahintulutan ang mga qualified vendors ng Pulilan Public Market na pansamantalang ihinto ang pagbabayad ng kanilang outstanding Goodwill Fees bilang one-time payment relief. Batay sa abisong tumutukoy sa Resolution No. 12-160, s. 2026 ng Sangguniang Bayan ng Pulilan, maaaring samantalahin ng mga kwalipikadong vendor ang temporary suspension of payment hanggang Disyembre 29, 2026. Magsisimula namang magkaroon ng interest ang natitirang obligasyon sa Disyem

Isha Reyes
Sep 231 min read


Nobyembre 16–18 idineklarang special non-working days sa NCR
Idineklara ang Nobyembre 16 hanggang 18, 2026 bilang special non-working days sa buong National Capital Region (NCR) kaugnay ng pagho-host ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit and Related Summits. Nakasaad ang deklarasyon sa Proclamation No. 1447, na nilagdaan noong Setyembre 17 ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto, sa awtoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sakop nito ang Lunes, Nobyembre 16, hanggang Miyerkules, Nobyembre 18. Ayon sa proklamasyon, layunin ng tatlon
Xander Tiongson
Sep 231 min read


Tropical Depression posibleng pumasok sa PAR sa Huwebes
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Tropical Depression sa silangan ng bansa na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes. Huling namataan ang bagyo sa layong 1,865 kilometro silangan ng Southeastern Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 55 kilometers per hour (kph) at pagbugsong umaabot sa 70 kph. Kapag pumasok sa PAR, bibigyan ang Tropical Depression ng lokal na pangalang “Queeni.” Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang galaw at
Lex Aya-ay
Sep 231 min read


Ilang bahagi ng Calumpit mawawalan ng kuryente
CALUMPIT, Bulacan — Nakatakdang makaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Calumpit ngayong Setyembre 23 dahil sa maintenance works ng Meralco. Apektado ng power interruption ang ilang lugar sa Barangay Iba Este, Iba Oeste at Palimbang mula 1:00 a.m. hanggang 4:00 a.m. Ayon sa Meralco, kinakailangan ang pansamantalang pagkawala ng serbisyo upang maisagawa ang line conversion works at retirement ng ilang electricity facilities sa kahabaan ng MacArthu
Nancy B. Cruz
Sep 231 min read


3 kalsada sa Barangay Lumbac binigyan ng bagong pangalan
PULILAN, Bulacan — Matagumpay na nailagay ang mga bagong street signages sa Barangay Lumbac kasunod ng pagpapatibay ng resolusyong nagtatakda ng opisyal na pangalan sa ilang kalsadang dati ay walang pormal na pagkakakilanlan. Nakabatay ang proyekto sa Kapasiyahan Blg. 152, Serye 2026, na napagkasunduan sa regular na sesyon ng Sangguniang Barangay noong Pebrero 23. Inihain ang panukala ni Kagawad Marilou P. Caleon, Committee on Peace and Order, at pinangalawahan ni Kagawad Nen
Nancy B. Cruz
Sep 231 min read


Bahagi ng NLEX San Simon northbound pansamantalang isasara
PAMPANGA — Pansamantalang isasara ang rightmost lane o Lane 3 sa bahagi ng San Simon northbound upang bigyang-daan ang isinasagawang dredging works. Sakop ng pagsasara ang bahagi mula San Simon Northbound Entry hanggang Pau River Bridge Northbound, partikular sa KM 57+000 hanggang KM 60+000. Isasagawa ang lane closure mula Setyembre 23 hanggang 29, araw-araw mula 6:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. Pinapayuhan ang mga motoristang dadaan sa lugar na maglaan ng karagdagang oras sa biy

Eury Peralta
Sep 231 min read


180 Grade 10 students lumahok sa youth wellness program sa Pulilan
PULILAN, Bulacan — Umabot sa 180 Grade 10 students ng Bajet-Castillo High School ang lumahok sa Youth Reproductive & Mental Well-being Program na nagtapos ngayong araw. Isinagawa ang programa sa pangangasiwa ng Municipal Population Office, sa pamumuno ni Donna Sampan, katuwang si Barangay Longos SK Chairperson Joshua “Smith” Mercado. Ang Pulilan LGU ay may mga umiiral na programa para sa adolescent health, teenage pregnancy prevention at mental health awareness. Nagbahagi rin

Isha Reyes
Sep 231 min read


TV host pinatawan ng 90-day preventive license suspension ng LTO
Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang SUV matapos kumalat ang video na nagpapakitang nagmamaneho umano ang isang TV host nang walang suot na seatbelt. Batay sa video, makikita rin ang drayber na bumaba mula sa sasakyan habang nasa kalsada, iniwang bukas ang pinto at pagkatapos ay muling sumakay. Iniimbestigahan ng LTO ang posibleng paglabag sa Failure to Wear the Prescribed Seatbelt Device at

Eury Peralta
Sep 231 min read


Pulilenyo esports player sasabak sa 20th Asian Games
PULILAN, Bulacan — Nakatakdang kumatawan sa Pilipinas ang Pulilenyong si Psalm David Cortez ng Barangay Sto. Cristo bilang bahagi ng Team Sibol Identity V sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan. Makikipagtagisan si Cortez kasama ang pambansang esports team sa Identity V, isa sa mga esports titles na tampok sa kompetisyon. Nagpaabot naman ng suporta at pagbati si Pulilan Vice Mayor Atty. Imee Cruz kay Cortez bago ang kanyang pagsabak sa international competition. Ang 20th
Lex Aya-ay
Sep 231 min read


Barangay Paltao kinilala bilang BEST Regional Awardee
PULILAN, Bulacan — Kinilala ang Barangay Paltao bilang isa sa mga Regional Awardee ng Building Excellence in Service for Transparency for Barangay (BEST). Natanggap ng barangay ang pagkilala sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Servy Deo SP. Manapat, kasama ang mga opisyal at kawani nito. Nakatuon ang BEST recognition sa pagsusulong ng transparency at maayos na paghahatid ng serbisyo sa antas ng barangay. Ang pagkilala sa Paltao ay kabilang sa mga parangal na natanggap ng
Xander Tiongson
Sep 231 min read
bottom of page


